Jhong Hilario, nag-exit na sa Ang Probinsyano

IMAGE Screen grab from FPJ's Ang Probinsyano


Apat na bala ang kumitil ngayong gabi, March 27, sa buhay ni Homer “Alakdan” Adlawan, ang most hated character ni Jhong Hilario sa FPJ's Ang Probinsyano.

Pinatay na ang karakter ni Jhong sa action drama television series ni Coco Martin sa ABS-CBN dahil simula sa darating na Biyernes, March 29, hindi na puwedeng lumabas sa TV at pelikula ang mga showbiz personality na kakandidato sa midterm polls sa May 13, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Re-electionist councilor si Jhong sa 1st District ng Makati City, kaya tinapos na ang participation niya sa Ang Probinsyano. 

Inaasahan din na bukas, March 28, ang kanyang huling araw bilang co-host ng It’s Showtime.

Tulad ng death scene ni Lito Lapid sa Ang Probinsyano noong nakaraang buwan, binigyan ng moment si Jhong sa last scene niya sa top-rating prime-time program ng ABS-CBN.

Ang kaibahan lang, walang anumang drama at walang malungkot na background music sa pagpatay sa karakter ni Jhong.

Mismong si Cardo, ang lead character na ginagampanan ni Coco, ang pumatay kay Alakdan. Pero bago ito binaril, nagkaroon muna ang dalawa ng fight scene.

Parang sinapian si Coco ng kaluluwa ni Fernando Poe, Jr. sa eksena nila ni Jhong dahil FPJ na FPJ ang kanyang kilos at pananamit.

Si FPJ ang parang pinapanood namin dahil sa kanyang “trademark” na brown leather jacket at polo shirt outfit na katulad na katulad ng suot ni Coco sa fight scene nito kay Jhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN