Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

31 celebrities, kasama sa bagong drug watchlist ng PDEA

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2019

Ilang araw nang balitang hawak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bagong listahan ng mga artistang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot, pero hindi sila naglabas ng mga pangalan.

Dahil dito, ikinukumpara ang ahensiya sa mga entertainment writer na mahilig sa blind item.

Itinanggi naman ito ng government agency na gusto lamang iparating sa lahat na kilala nila ang mga personalidad na sangkot.

Continue reading below ↓

Sinabi ni PDEA Chief Director General Aaron Aquino na sikat ang 31 stars na kasama sa drug watchlist ng kanyang tanggapan at patuloy na napapanood sa TV at pelikula.

Sa panayam ni Jun Veneracion ng 24 Oras, ibinulgar ni Aquino na male celebrities ang karamihan sa nasa drug watchlist ng PDEA.

"They are all popular. In fact, most of them are still in television and most of them are still in movies.

"When I say old, they are about in their 40s, and when I say young, it could be either in their 30s or in their 20s,” pahayag ni Aquino.

Kinumpirma rin ng PDEA chief director na mas marami ang mga artistang bata at tatlo lamang ang matatandang kasali ang pangalan sa drug watch list.

Hindi na bago ang isyu tungkol sa mga showbiz personality na gumagamit ng illegal drugs dahil noong 2016, mainit na pinag-usapan ang listahan na hawak ng Philippine National Police.

Continue reading below ↓

Pero tulad ng PDEA, walang inilabas na pangalan ang ahensiya na pinamumunuan noon ni former PNP Chief Ronaldo dela Rosa.

Pero kung ang publiko ang tatanungin, mas gusto nilang ilantad ng PDEA ang pangalan ng mga artista, lalo na kung may sapat na ebidensiya para maiwasan ang akusasyong ginagamit ang mga showbiz personality at ang illegal-drug issue para mapagtakpan ang higit na malalaking problema ng bansa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results