Humarap ngayon sa local media ang mga miyembro ng Z-Pop Dream Project, ang grupo na itinatag ni Jun Kang, ang K-Pop showbiz visionary at Chief Executive Officer ng Zenith Media Contents.
Ang Viva Communications Inc. ni Boss Vic del Rosario ang Philippine partner ni Kang na naniniwalang sisikat ang Z-Pop Dream Project, na may labing-apat na miyembro.
Z-Pop Girls ang tawag sa pitong female members at kilala bilang Z-Pop Boys ang seven male members na nagmula sa pitong bansa sa Asia—kabilang ang Thailand, Vietnam, Japan, Indonesia, Taiwan, India at Philippines.
Sina Carlyn Ocampo at Josh Bautista ang Filipino members ng Z-Pop Dream Project, at sila ang mga nakapasa sa Manila auditions noong last quarter ng 2018.
Ang Seoul ang homebase ng Z-Pop Dream Project.
Noong February 23, 2019, opisyal silang ipinakilala ng Zenith Media Contents sa pamamagitan ng kanilang much-publicized debut concert, ang Z-Pop Dream Live.
Ini-endorso pa iyon ng Korean pop superstar na si Psy at ng ibang mga sikat na personalidad sa South Korea.
Sa ginanap na presscon sa Teatrino Greenhills, ipinaliwanag ng mga miyembro ang kahulugan ng pangalan ng kanilang grupo na unti-unting gumagawa ng pangalan sa iba’t-ibang Asian countries. “
"The Z in Z-Boys and Z-Girls is from the phrase Generation Z, which means young stars of Asia who were born after 1995.
"A boy group and a girl group, comprised of one male and one female member from each of the 7 countries, have been selected as Z-Stars through the Z-Pop Dream Project.”
Nilinaw naman ng Filipino member na si Carlyn na magkaibang-magkaiba ang Z-Pop Dream Project sa mga sikat na K-Pop group.
"Iba po kami sa K-Pop. Kami po ay Z-Pop. Zenith is trying to create a new genre of pop which is Z-Pop that goes beyond K-Pop.
"Ang nagma-manage po sa amin ay Korean, so K-Pop yung training namin.
"But then, ang center po ng K-Pop ay Korea, ang Z-Pop po ay Asia.
"It is a global project that aims to establish a system that connects many different countries around Asia through music."
Ayon pa kay Carlyn, gumagamit sila ng translating apps para magkaintindihan ang labing-apat na miyembro ng Z-Pop Dream Project.
"Our team speaks various languages because we are all from different countries.
"We tried our best to communicate in many ways using gestures, body language, facial expressions, and translating apps like Google translate.
"Some of us can speak English so nagkakaintindihan kami.”
Matatagalan sa Pilipinas ang Z-Pop Dream Project dahil magkakaroon sila ng mga mall show para i-promote ang kanilang mga single na "What You Waiting For" ng Z-Pop Girls at "No Limit" ng Z-Pop Boys.
Special guests din ang Z-Pop Dream Project sa The Cr3w, ang major concert nina Billy Crawford, Sam Concepcion, na gaganapin sa April 5, sa Smart Araneta Coliseum.