Kapuso all-male group JBK, naging dahilan ng pag-walkout ni Nicole Scherzinger

Kapuso all-male group na JBK, magkakaroon ng anniversary concert
by Jojo Gabinete
Mar 29, 2019

Sina Julie Anne San Jose, Bradley Holmes, Kakai Bautista, Nina Espinosa, at ang cast ng Rak of Aegis ang ilan sa mga special guest sa Just Be Kind.

Ang Just Be Kind ay ang anniversary concert ng JBK, ang Kapuso all-male group nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario, at Kim Ordonio.

Ang Music Museum ang venue ng show ng JBK na magaganap sa March 29, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumawa ng ingay ang JBK nang sumali sila sa The X-Factor UK noong September 2017.

Bukod sa kanilang talent sa pagkanta, pinag-usapan ang JBK dahil nag-walkout ang judge na si Nicole Scherzinger, na may Pinoy blood, nang ma-eliminate ang grupo.

Nadismaya si Nicole sa kanyang fellow X Factor UK judge na si Simon Cowell nang piliin nito ang Lemonade kesa sa Filipino boyband.

Bago natanggal sa contest ang JBK, puring-puri sila ni Nicole na nagbigay sa kanila ng encouraging words na “JBK, I’m so proud of you boys, my Filipino brothers up there! I’m proud that you flew all the way from the Philippines ‘coz you are not flying back home!”

Nabigo man ang JBK, nagbukas ng maraming oportunidad ang pagsali nila sa The X Factor UK dahil naging contract artists sila ng GMA Artist Center.

Ipinagtapat ng JBK na nadagdagan ang confidence nila mula nang pumirma sila ng kontrata sa talent management agency ng GMA-7 dahil sa mga personality development at workshop na ibinigay sa kanila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kakaibang style ng kantahan at mga kaabang-abang na hugot skits ang pangako ng JBK sa mga manonood ng anniversary show nila sa Music Museum.

“Kami mismo yung gumawa ng lineup ng songs namin. You’ll be hearing songs na never namin kinanta sa mga live gigs before such as songs from Queen,” pahayag ni Bryan.

Bilang paghahanda sa Just Be Kind, sumailalim sa maraming klase ng training ang JBK para hindi sila mapahiya sa audience.

"We always review our songs before we end our day. We are currently doing vocal lessons and dance rehearsals para paghandaan yung transition ng bawat kanta,” sabi ni Kim.

Ang Mabuhay Desert Foundation, Yes Pinoy Foundation, at Hero Foundation, Inc. ang mga beneficiary ng JBK concert.

Para sa mga interesadong manood na nais malaman ang ibang mga detalye tungkol sa show, maaaring tumawag at magtanong sa cellphone number 0917-8621313.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results