Pia Wurtzbach, namangha sa kanyang life-size wax figure

IMAGE Pia Wurtzbach Instagram

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang kanyang life-size wax figure na nilikha ng Madame Tussauds Hong Kong ang aming nakita nang mapadaan kami sa Fashion Hall ng SM Megamall ngayong araw, March 29.

Kung ano ang suot at ayos ni Pia sa unveiling sa Edsa Shangri-La Hotel ng kanyang wax figure kahapon, March 28, ganoon pa rin ang hitsura niya sa unang araw ng exhibit sa Fashion Hall ng wax figure ng former Miss Universe.

Walang kapaguran si Pia sa pagpapakuha ng litrato at pagbibigay ng autograph sa mahabang pila ng mga taong hindi na kailangan na pumunta sa Hong Kong at sa Madame Tussauds sa The Peak para masilayan ang wax figure niya.

Si Pia ang kauna-unahang Pilipino na ginawan ng wax figure ng Madame Tussauds kaya malaking karangalan ito para sa kanya.

"Ang ganda talaga, guys. When I saw it for the first time, I didn’t know what to say because I was in awe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s so surreal.

"It really looks like me, like, every angle from the side, from the back, like, it’s me," sabi ni Pia sa mga sumaksi sa unveiling ng kanyang wax figure sa Fashion Hall.

Ang international fashion designer na si Michael Cinco ang gumawa ng replica ng royal blue gown ng wax figure na kapareho ng ginamit ni Pia sa coronation ng Miss Universe 2016 noong January 2017.

"This is the Michael Cinco gown that I wore when I passed on my crown during the 2016 coronation night that happened here in Manila and Michael Cinco was generous enough, he’s so amazing, to recreate another one for the wax figure," sabi ni Pia.

Natutuwa at nagpapasalamat ang former Miss Universe kay Cinco dahil hindi nito tinipid ang gown.

On display mula ngayon, March 29, hanggang sa Linggo, March 31, sa ground floor ng Fashion Hall ang Madame Tussauds wax figure ni Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN