Snooky Serna, ipagdiriwang ang 50th anniversary sa showbiz ngayong 2019

IMAGE Jojo Gabinete


Itinuwid ni Snooky Serna ang maling akalang ipagdiriwang niya sa susunod na taon ang kanyang 50th anniversary sa showbiz.

Ayon kay Snooky, ngayong 2019 ang golden anniversary niya sa showbiz dahil dinaya noon ang kanyang edad para walang mag-akusang biktima siya ng child exploitation.

Snooky Serna (third from left) with Jennifer Sevilla, Harlene Bautista, and Diana Zubiri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagtapat ng former child actress na two and a half years old lang siya nang mag-umpisa ang acting career niya.

Pero wala siyang regrets na nararamdaman.

"Medyo dinaya po namin ang edad ko para hindi masabi na biktima ako ng child abuse.

"Hindi ako makapaniwala na 50 years na ako sa showbiz.

"I need to pinch myself na nakaraos na ako ng 50 years, sa awa ng Diyos at sa awa ng mga kasamahan ko sa trabaho, napagtiisan nila si Snooky Serna, sa aking mga complexities and all."

Ano ang nasa isip noon ng isang two and a half years old?

Sabi ni Snooky, "Ang feeling ko, parang naglalaro lang ako.

"The memories are so vivid. Mas naaalala ko pa nga ang mga nangyari noon.

"Tumatanda na talaga ako kasi yung recollections ko of before, ang klaro sa akin kesa ngayon.

"Saka I have fond memories of my childhood, no regrets at all, even my teen-age years."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May deprivation, pero choice ko naman yun. I cannot blame anyone for it.

"Definitely not my parents dahil ako pa nga ang namilit sa kanila na mag-artista ako, ayaw nila, and that’s true story.

"Lumaki na ako sa showbiz ito na ang pamilya ko.”

Si Snooky ang lead actress sa In the Name of the Mother, ang bagong movie project ng Heavens Best Entertainment Productions, ang film company ni Harlene Bautista.

Nagpapasalamat si Snooky kay Harlene dahil siya ang piniling bida sa pelikula na fitting tribute sa ika-50 taon na anibersaryo niya bilang aktres.

Si Joel Lamangan ang direktor ng In the Name of the Mother at co-stars ni Snooky sina Diana Zubiri, Gardo Verzosa, Jennifer Sevilla, Rita Daniela, at Pancho Magno.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN