ABS-CBN soundstage sa Bulacan, bubuksan na sa July 2019


Kinumpirma ni San Jose del Monte Bulacan Mayor Arthur Robes at ng kanyang misis na si House Representative Rida Robes na tapos na ang construction ng ABS-CBN soundstage na itinayo sa 7.7–hectare property ng mga Lopez sa naturang bayan.

In fact, naganap ang blessing sa dalawang soundstage na nagkakahalaga ng P700 million noong December 13, 2018.

Dumalo sa okasyon ang mga ABS-CBN executive na sina Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, at ABS-CBN Chair Emeritus Eugenio "Gabby" Lopez III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(L-R) ABS-CBN CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, and ABS-CBN Chair Emeritus Eugenio "Gabby" Lopez III.

Sinabi ni Mayor Robes sa Cabinet Files na inaasahan niyang magbubukas sa July 2019 ang ABS-CBN soundstage, ayon na rin sa pahayag ni Chair Emeritus Gabby Lopez.

"Nag-blessing na kami actually, kaya lang, parang kulang pa sila sa ibang mga equipment. Pero sabi nila, July talaga.

"Napakaganda ng soundstage, yung property is around 140 hectares, pero yung kinatatayuan ng soundstage, more or less, 10 to 15 hectares," pahayag ni Robes.

Naniniwala ang alkalde na malaki ang maitutulong ng ABS-CBN soundstage sa San Jose del Monte, Bulacan, na nagkaroon ng hindi magandang imahe dahil sa relocation sa kanilang bayan ng mga informal settler mula sa iba’t ibang lugar.

Kinumpirma ng alkalde na tumaas ang value ng mga property sa San Jose del Monte dahil sa ABS-CBN soundstage at sa construction ng MRT 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

San Jose Del Monte Bulacan Mayor Arthur Robes, House Representative Rida Robes, and ABS-CBN Chair Emeritus Gabby Lopez

Ibinalita naman ni House Representative Rida Robes na nagsisimula na sa soundstage ng ABS-CBN ang shooting ng Darna movie ni Liza Soberano at ng isang TV series na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban.

"Nagsu-shooting na sila ng teleserye ni Angelica Panganiban. Yung Darna, nagsisimula na sila.

"We were there ni Mayor sa blessing ng ABS-CBN soundstage.

"Si Boss Gabby, very touched kasi dream niya yun.

"Ang ganda ng soundstage, maipagmamalaki mo at talagang hulmang-hulma sa Amerika," kuwento ni Congresswoman Robes.

Pangarap ng kongresistang gawing broadcasting hub ang San Jose del Monte kaya nakikipag-usap na siya sa mga network para ilipat sa bayan nila ang mga radio station.

Trivia: May soft spot sa puso ni Rida ang entertainment industry dahil hindi siya stranger sa showbiz.

Noong early part ng dekada ’90, naging talent si Rida ng Regal Films at nakagawa siya ng apat na pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Tora Tora Bang Bang noong 1990 ang isa sa mga movie project ni Rida sa Regal Films.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN