Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Gay couple, nag-kiss nang live sa Eat Bulaga!

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2019
PHOTO/S: Screen grab fropm GMA-7

Tuloy ang rivalry sa pagitan ng Eat Bulaga! at ng It’s Showtime dahil sa mga nangyari sa mga nabanggit na program kahapon, March 30.

Kahapon ang 43rd birthday celebration ni Vice sa It’s Showtime, pero hindi sinasadyang nasapawan ito ng hindi inaasahang split-second same-sex kissing on live television sa "Boom," ang general knowledge quiz segment ng Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

Mga lalaking may boyfriend ang pinahulaan ni Vic Sotto kay Boobsie sa second-game bomb, pero sa unang sagot pa lang, nasabugan agad ang comedienne dahil sa sagot na mali.

Isa si Jhon Patrick Driz sa Tao category ng "Boom" ang umaming may boyfriend.

Kasama ni Patrick sa studio ng Eat Bulaga! si Paul Cervantes, ang boyfriend na karelasyon niya ng isang taon at tatlong buwan.

Sa interbyu nina Vic at Alden Richards kay Patrick, sinabi nitong pito ang naging girlfriend niya noong college.

"Bale po, noong simula college po, medyo playboy po ako.

"Parang hindi ko alam ang hinahanap ko sa isang babae.

"Yun pala, sa kanya ko matatagpuan…" sabi ni Patrick.

Nang itanong ni Alden ang mensahe ni Patrick para sa boyfriend nito, "Paul, mahal na mahal kita. Salamat sa lahat, I love you," sabi niya sabay halik sa noo ng karelasyon.

"Thank you rin sa lahat, sobra. Alam mo naman, ikaw yung the best boyfriend para sa akin. I love you more," sagot naman ni Paul sa mga pahayag ni Patrick.

Continue reading below ↓

Ito ang nag-udyok kay Boobsie para dalawang beses na sumigaw ng "kiss!" na pinagbigyan ng gay couple.

"Okey na, okey na!" ang nabiglang reaksiyon ni Vic, habang nagsisigawan at tuwang-tuwa ang mga tao sa audience gallery ng Eat Bulaga! dahil sa eksenang kanilang nasaksihan.

Continue reading below ↓

May mga nagpahayag ng pagkabahala sa very brief lip service nina Patrick at Paul sa isa’t isa dahil siguradong may mga maliliit na batanang nonood.

May mga panawagan sa MTRCB ang mga moralista na tawagin ang atensiyon ng Eat Bulaga! management, na siguradong ikinagulat din ang mabilis na pangyayari dahil hindi nila kinukunsinti ang mga ganoong eksena sa national television.

Trivia: Noong 2013, hindi itinuloy ng GMA-7 ang airing ng controversial kissing scene nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa My Husband’s Lover dahil tinutulan ito ng MTRCB.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab fropm GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results