MTRCB, binabatikos dahil sa "kissing scene" sa Eat Bulaga

IMAGE Screen grab from GMA-7

Over reacting ang ilan sa mga netizen dahil binabatikos na agad nila ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kahit hindi pa ito naglalabas ng desisyon tungkol sa pinag-uusapang "kissing scene" na nangyari sa March 30 episode ng "Boom" segment ng Eat Bulaga.

Hindi makakatulong ang mga pambabatikos na ginagawa sa MTRCB ng mga kababayan nating galak na galak sa eksena na nasaksihan sa national television sa tanghaling tapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang nagbabawal sa kanila na sumigaw ng "love wins," pero bago mag-react nang bayolente, hintayin muna nila ang desisyon ng MTRCB.

Dahil kung panonooring mabuti ang lip service ng "Boom segment" guest na si Jhon Patrick Driz sa kanyang boyfriend na si Paul Cervantes, ikinagulat din ni Vic Sotto ang nangyari at posibleng ganito rin ang reaksiyon ng Eat Bulaga! staff.

Forty years na sa telebisyon ang Kapuso noontime show kaya memoryadong-memoryado na nila ang mga batas na ipinatutupad ng government agency na pinamumunuan sa kasalukuyan ni Rachel Arenas.

At kung tunay na marurunong ang mga tumutuligsa sa MTRCB, alam nilang hindi masususpinde ang Eat Bulaga! nang dahil lamang sa isang insidente na kanilang ipinaglalaban, prematurely.

Isang simpleng apology lamang mula sa Eat Bulaga! management, tapos na ang isyu.

Parehong mga talent ng GMA-7 at ng ibang mga television network sina Driz at Cervantes.

Meaning, lumalabas sila bilang mga bit player sa iba’t ibang programa sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, hindi baguhan si Cervantes sa pagsali sa "Boom" segment ng Eat Bulaga! dahil guest din siya sa "Sino-Sino sa Kanila ang Dancer?" episode noong January 2019.

Most probably, kilala na ni Alden Richards si Cervantes dahil siya rin ang co-host sa nasabing "Boom" episode.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On the other hand, humingi ng paumanhin si Driz dahil alam niyang may televiewers na hindi natuwa sa paghalik niya sa kanyang boyfriend.

"Maraming salamat po sa mga nakapanood ng Eat Bulaga kanina.

"Unang una po sa lahat, gusto ko po sana humingi ng pasensya.

"Maaaring hindi man po tanggap pa sa lipunan natin ang ganitong relation pero maraming salamat po sa mga taong sumusuporta sa mga gaya namin na LGBTQ community,” ang apology ni Driz sa kanyang Facebook account.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN