Glaiza de Castro, nag-react sa mandatory drug tests sa TV contract stars

IMAGE Instagram

Kasalukuyang nagaganap ang mandatory drug tests sa mga artistang tampok sa iba’t ibang mga programa ng isang major television network.

Ang nangyayaring drug test ang sagot ng TV network management sa panawagan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na dapat magkaroon ang lahat ng local TV networks ng mandatory at surprise drug tests sa kanilang mga contract star.

Ang isyu ng mandatory drug tests ang isa sa mga itinanong kay Glaiza de Castro sa contract signing nito bilang newest celebrity ambassadress ng Symply G Hair & Skin Care.

"Parang ang hirap magbigay ng opinyon about it kasi puwede naman i-disclose [privately] lang, kung meron man mga involved sa ganoong klase ng isyu.

"It would really affect the artists and wala naman kaming masamang intensiyon to harm o yung ibang mga taong involved.

"I know na deep inside, they also want to be a good person.

"Parang sa akin, kung mapapag-usapan naman in private, parang okey na baka doon na muna.

"Pero kung kailangang-kailangan, wala naman tayong magagawa, di ba?

"Kung gobyerno na yung nagsabi o powerful na tao na yung nagsabi na 'Okey, kailangan itong gawin,'" katuwiran ni Glaiza.

Hindi natatakot si Glaiza sumailalim sa mandatory drug test dahil hindi siya gumagamit ng illegal drugs, kaya pabor siyang sumailalim sa mandatory drug tests ang mga contract star ng mga TV network.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN