Jessy Mendiola, pabor sa pagbubukas ng mga pelikula tuwing Biyernes

IMAGE Noel Orsal

Hindi magbabago ang aming paniniwalang basta maganda ang mga project, tatangkilikin at panonoorin ito ng publiko, kahit Miyerkyules o Biyernes ang opening day ng mga pelikula sa mga sinehan.

Simula sa susunod na buwan, May 2019, ibabalik sa araw ng Biyernes ang pagbubukas sa sinehan ng mga pelikula—local at foreign—dahil ito ang napagkasunduan ng mga movie producer at ng theater owners para madagdagan ang box-office earnings ng magkabilang-panig.

Ginamit namin ang salitang "ibabalik" dahil noong dekada ’80, tuwing Biyernes talaga ang opening day sa mga sinehan ng mga pelikula pero inilipat sa araw ng Miyerkules.

Isa ang Stranded lead actress na si Jessy Mendiola sa mga umaasang makakatulong ang kasunduan ng movie producers at theater owners para kumita ang mga pelikula.

Hindi ordinary actress si Jessy dahil hindi lamang pag-arte ang alam niya.

Aware din siya sa mga problema ng Philippine movie industry at ito ang tinalakay niya sa presscon ng Stranded, ang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nila ni Arjo Atayde.

Pahayag ni Jessy, "This movie, Stranded, I am very proud of it.

"Gusto ko lang po idamay yung ibang movies na hindi naging okey ngayong past three months.

"Wala po talagang naging okey [sa box office] except Alone/Together ng LizQuen, but that’s a love team and marami po talaga silang followers. Sobrang sikat po ng dalawa.

"Tulad nang sinasabi ni Direk Erik Matti, tulad nang sinasabi ng FDCP at ng ibang mga filmmaker na sana po, i-push talaga yung opening pag Fridays, kasi feeling po namin, mas malaki ang kikitain ng mga pelikula.

"And medyo nakakalungkot lang po na yung mga basher, yung mga kapwa natin Pinoy, yun ang iniisip.

"Isipin muna natin kung nasusuportahan ba natin ng enough yung sariling atin.

"Kahit hindi naman po sa akin, sana po, sa ibang mga pelikula, sa ibang actors, tulungan po natin ang isa’t isa.

"Kasi kapag lumakas naman po ang kita natin sa mga pelikula, mas magiging proud tayo na ipakita yun sa ibang bansa," pahayag ni Jessy.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN