Ang paulit-ulit na drug use at sex videos ang hot topic ngayon dahil sa mga showbiz personality na sangkot.
Pero para kay Polo Ravales, ang mga celebrity na involved ang dapat sisihin.
"Sa akin, hindi nila ginusto yun na lumabas, pero kahit papaano, meron...
"Ginawa niyo yun, nag-video ka. Posible talagang lumabas yun.
"Kapag nag-video ka, fifty percent, i-expect mo na lalabas," katuwiran ni Polo nang makausap siya ng Cabinet Files sa premiere ng Portrait of My Love sa Cinema 6 ng SM North Edsa kagabi, April 2.
Paano kung naging too trusting lang ang mga biktima ng leaked video scandals?
"Hindi ako naniniwala," mabilis sa sagot ni Polo.
"Kahit nga sa mag-asawa, kapag naghiwalay, puwedeng gamitin ang video para makabawi. Para masira yung tao.
"No, wala akong sympathy sa kanila. None.
"You should be really responsible. Nag-video ka, e."
Siguradung-sigurado raw si Polo na hindi siya masasangkot sa mga video scandal.
"Wala akong ganoon. Kung meron, e, di sana lumabas na, di ba? Maingat ako.
"Sa tingin niyo, kapag nagkaroon ako ng sex video, maraming manonood?"
Sa tanong kung pabor siyang pangalanan ang mga kapwa artistang gumagamit ng illegal drugs, “oo” ang walang alinlangang sagot ni Polo.
"For me, mas okey na pangalanan just to be fair.
"Kung politicians at pulis pinapangalanan, bakit hindi ang mga artista?
"Ako kasi, drug-free talaga ako. Kahit noong bata ako, hindi ako gumagamit ng illegal drugs."
Personally, may mga kilala ka bang kapwa-artista na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at inalok ka?
"Meron pero tinanggihan ko. Sabi ko, hindi ko kaya. Baka hindi kaya ng katawan ko.
"Kayo ba, may kilala sa 31 celebrities? Baka puwede niyo sabihin?" pagtukoy niya sa bilang ng mga artistang nasa drug list ng PDEA.