Gary Valenciano, hindi takot sa kamatayan


Sa April 12, 2019 ang kick-off sa Las Vegas ng North America concert tour ni Gary Valenciano.

Bahagi ito ng 35th anniversary ng kanyang entertainment career.

Excited si Gary dahil ang U.S. tour ang grand comeback niya matapos sumailalim sa open heart at kidney cancer surgeries noong nakaraang taon.

Masayang ibinalita ni Gary na maayos na maayos na ang kanyang kalagayan sa tulong ng mga doktor niya at, higit sa lahat, ng Diyos.

Maselan ang health crisis na pinagdaanan ng 54-year-old singer-actor noong 2018.

Pero hindi ito mababakas sa hitsura ni Gary nang humarap siya sa entertainment writers sa presscon na ginanap ngayong araw, April 3, sa Valencia Events Place, na may soft spot sa kanyang puso dahil pag-aari ito ni Mother Lily Monteverde, ang movie producer na nagbigay kay Gary ng unang break sa pelikula.

Si Mother Lily rin ang producer ng fiirst-ever U.S. concert tour noon ni Gary.

At any rate, dahil sa kanyang health scare na naranasan, tinanong namin si Gary kung takot ba siya sa kamatayan at matunog na hindi ang sagot niya.

"No, never been, lalo na now.

"I don't know, I just feel na I think I'll be afraid of death if I knew I was alive today 'tapos wala akong ginagawa to fulfill my whatever purpose is. But I'm doing that, e.

"I'm fulfilling a purpose. I see it in the faces of the young people.

"So if it's time for me to go, then I know, at least, I know it's time because nagawa ko na, natapos ko na ang lahat ng dapat gawin."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN