Sylvia Sanchez, nilinaw na siya ang gagastos sa paghahanap ng kanyang biological father

IMAGE Noel Orsal

May paglilinaw na ginawa si Sylvia Sanchez tungkol sa isyu ng paghahanap niya sa kanyang hinahanap na biological father na si Roberto Lagura Campo.

Nagpapatulong si Sylvia sa Overseas Workers Welfare Association (OWWA) sa paghahanap sa kanyang ama na nabalitaan niyang nasa Rio De Janeiro, Brazil.

Pero nilinaw ng aktres na siya ang gagastos, hindi ang nabanggit na government agency bago pa ito mabigyan ng malisya.

"Pinoy siya, nagtatrabaho doon.

"Actually, yung sinabi ko na hindi ko na nakita ang Papa ko, so ngayon, ang nangyari, sila [OWWA] yung nagsabi sa akin na, 'May mga case kami na ganyan. Ang dami-dami na naming napauwi. Kung gusto mo, hanapin natin.'

"Sino ba naman ang hihindi, di ba? Hopefully, makikita yung tatay ko—buhay o patay.

"Actually din, yung gastos niyan, sabi ko sa kanila, ako ang gagastos. Kung may gastos, sabihin niyo sa akin.

"Ayoko kasi yung sila ang gagastos for me kasi tatay ko yun, e.

"Ang sabi nila, walang gastos sa paghahanap kasi connect-connect lang. Phone calls lang.

"Ang gastos, yung pagpunta mo at ng pamilya mo sa Brazil para puntahan yung tatay mo.

"Sorry po, meron po akong pambayad sa eroplano para pumunta doon, so walang gastos," paglilinaw ni Sylvia nang mag-renew siya ng kontrata bilang celebrity endorser ng Beautederm ngayong tanghali, April 4.

Incidentally, hindi matuluy-tuloy ang plano ni Sylvia na pumunta sa Australia para buksan dito ang sariling branch niya ng Beautederm store.

Nagkaroon kasi ng conflict sa kanyang mga showbiz commitment, tulad ng shooting ng Jesusa at taping ng bagong drama series ng ABS-CBN. 

"Yung teleserye na tine-tape namin ngayon with JM de Guzman, Arci Muñoz. 'Tapos asawa ko si Joey Marquez, meron kaming walong anak, istorya naman ng pamilya.

"This time, walong anak na iba-ibang klaseng problema. Mata-tackle lahat ng problema ng mga bata.

"Ang ganda, hindi ito todo o sobrang bigat na drama. It's a dramedy."

Postscript" Ayon sa Beautederm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, isang malaking inspirasyon si Sylvia sa mga kababaihan at pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino dahil nagagawa nitong pagsabayin ang acting career at ang pag-aalaga sa pamilya. 

"I must say that she has really helped the company in its success today," ang pahayag ni Tan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN