Alden Richards, Maine Mendoza, Arjo Atayde nagsama-sama sa isang proyekto

IMAGE Instagram

Sina Alden Richards, Maine Mendoza, at Arjo Atayde ang tatlo sa 27 Filipino stars na nagsama-sama at sumuporta sa "A World at Prayer is a World at Peace" project ni Archbishop Soc Villegas at ng Philippine movie industry stalwart Mrs. Marichu Vera Perez-Maceda.

Mapapanood simula sa April 14, 2019, Palm Sunday, sa lahat ng mga sinehan, social media platforms, sa television networks na GMA-7 at ABS-CBN ang advocacy video na brainchild ni Archbishop Villegas.

Hinihimok nito ang lahat na magdasal para umiral ang kabutihan at kapayapaan sa buong mundo.

Libre ang serbisyo ng mga artista, na hindi humingi ng talent fee dahil naniniwala sila sa magandang layunin.

Higit sa lahat, walang script na binasa ang mga artista dahil mula sa puso ang kanilang mga sinabi tungkol sa kahalagahan ng pagdarasal.

Sa naturang video, ikinuwento nina Alden, Maine, at Arjo ang kanilang pananampalataya sa Diyos at ang araw-araw na pananalangin nila bilang pasasalamat sa lahat ng mga biyayang kanilang natatanggap. 

Sabi ni Alden, "I see to it that every morning the first thing I do is pray and, at the end of the day, the last thing I do is pray, be grateful, have the heart to say thank you to the Lord, say sorry for your shortcomings and confess your sins.

"This is the rosary bracelet that I wear every day for the reminder that the Lord is always with me, is always forgiving, understanding…

"His love is endless, limitless, and is forever.

"So, kung meron mang forever, kay Jesus Christ yun."

Ikinuwento naman ni Maine na nagdarasal agad siya pagmulat ng kanyang mata sa umaga at sa tuwing bago magsimula ang appearance niya sa Eat Bulaga.

"Ganoon kasi ako na bago magsimula ang show o bago magsimula yung araw ko.

"Kaya kayo rin dapat, Dabarkads, kahit ano ang gagawin niyo, hindi lang kung magsisimula ang trabaho o matatapos, kailangan kahit anong gagawin niyo, hindi natin dapat makalimutan na magdasal," mensahe ni Maine para sa lahat.

Ayon naman kay Arjo, "I pray not to ask for something, but I pray for forgiveness every day.

"We are sinners, every day we say white lies, we go through a week of sin.

"The only thing that I ask is for forgiveness.

"Prayers are very, very powerful.

"I believe that everything is destined to happen because God has a plan for you.

"So pray when you feel like praying. Pray when you feel like talking to him.

"Pray because you want to."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN