Gary Valenciano, piniling mag-isa nang dumanas ng depression

IMAGE Instagram

May paliwanag si Gary Valenciano sa kanyang desisyong mapag-isa at pumunta sa isang beach resort sa Batangas nang makaranas siya ng depression pagkatapos ng kanyang open heart at kidney cancer surgeries noong May 2018.

Nang magpahinga si Gary sa Batangas beach, ang personal assistant lamang ang kasama niya, kaya may mga nagtaka dahil wala ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan-Valenciano o ang kanilang mga anak.

Pero may sagot si Mr. Pure Energy nang tanungin sa presscon ng He’s Back: Gary V’s US Tour, ang concert tour niya sa Amerika na magsisimula sa April 12 sa Las Vegas at matatapos sa April 28 sa Cabazon, California, sa April 28, 2019.

Ayon kay Gary, "You can only solve a problem on your own.

"When your mind is clear of other people’s ideas, other people’s instance, other people’s instructions, directions…

"For me, you can give me all your instructions and directions but I am the one who have the pain in my sense, I am the one who have cancer, I still have diabetes.

"This is my journey and the only one who can really comfort me this time I think is God.

"Even when I went to the beach, pag-upo ko pa lang nang ganoon sa beach, ‘Andiyan Ka ba talaga? Are you ready to hear me 'coz I know I’m not in a good shap,  but Kayo na po ang bahala sa akin.'

"And He did what is always helped.

"Why me? He gave me a hug, spoke to me and said I know what you’re going thorough and I understand what you are going through," malinaw na paliwanag ni Gary tungkol sa desisyon niyang mapag-isa nang dumanas siya ng depression pero naging malaking tulong para malampasan niya ang pinagdaanan na pagsubok.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN