Floyd Mayweather Jr. at Vicki Belo, nagkita ulit

IMAGE Instagram

Ang akala ng mga empleyado ng Belo Medical Clinic, April Fools' Day joke lang ang balitang darating sa kanilang Greenbelt Makati City branch ang American superstar boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Pero dumating nga ito kaya nagulat sila.

Si Dra. Vicki Belo ang nag-iisang dahilan kaya nagpunta si Mayweather Jr. sa kanyang clinic at sinubukan ang Thermage FLX procedure, ang bagong skin tightening machine ng Belo Medical Clinic.

Ikinuwento ni Dra. Belo na nagsimula ang fondness niya kay Mayweather Jr. sa kanilang accidental encounter sa Greenbelt Mall noong May 2018.

Pinagkaguluhan ng mga Pilipino ang American boxing superstar, pero walang nakalapit sa kanila para sa photo op.

Nakasakay na si Mayweather Jr. sa sasakyan nito nang makita siya ni Dra. Belo kaya sumenyas ito kung puwede siyang makapagpakuha ng litrato.

Binuksan ni Mayweather Jr. ang bintana ng sasakyan at pinalapit niya ang celerbity doctor para sa hiniling nito na photo op.

Walang idea si Mayweather Jr. kung sino ang babaeng pinagbigyan niya ang request.

Pero makalipas ang halos isang taon, nagkakilala na sila nang personal at mismong si Dra. Belo ang nag-asikaso sa kanya.

Ang Filipino staff ni Mayweather ang nagsabi sa kanyang kapag bumisita siya sa Maynila, puntahan lamang niya si Dra. Belo.

Para naman kay Hayden Kho Jr., seryoso sila ng kanyang asawa na makilala ang Pilipinas bilang world’s cosmetic surgery hub, kaya may kinalaman sa medical tourism ang pagdalaw ni Mayweather sa kanilang clinic.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN