The Cr3w concert nina Billy, James, at Sam naging matagumpay

by Jojo Gabinete
Apr 6, 2019
PHOTO/S: Instagram

Ang aerial dance ni Coleen Garcia at ang sizzling song number ng real-life lovers na sina James Reid at Nadine Lustre ang ilan sa mga highlight ng The Cr3w, ang successful concert nina Sam, James, at Billy Crawford na ginanap kagabi, April 5, sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Si Paul Basinillo ang direktor ng The Cr3w at tulad ng mga nakaraan na major concert na pinamahalaan, hindi niya binigo ang Big Dome audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Coleen Garcia, Paul Basinillo, James Reid and Nadine Lustre

Muling ipinakita ni Basinillo ang mga dahilan kaya nagkaroon siya ng international at local awards bilang television commercial at concert director.

Kuhang-kuha ni Basinillo ang pulso at ang atensiyon ng manonood sa kanyang three-minute countdown bago ipinakita ang James Bond-inspired videos nina Billy, James, at Sam.

Naging sentimental si Billy nang sabihin nitong matagal na panahon na ang nakalilipas mula nang tumapak siya sa Smart Araneta Coliseum para sa isang major concert.

"Ten years has gone by and hindi ako naglabas ng isang album.

"Pero now, with God’s grace and the connection the Lord gave me to work with, I appreciate that. Thank you so much,” ang opening spiels ni Billy.

Hiningal si Billy sa kanyang hataw na pagsasayaw at pagkanta, pero taglay pa rin ang outsanding talent na nagpasikat sa kanya noon sa Europe.

As expected, sinuportahan ng JaDine fans ang The Cr3w kaya si James ang tumanggap ng pinakamalakas na palakpak sa tuwing lumalabas siya sa stage.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Paul din ang direktor ng Indak, ang upcoming dance movie nina Sam at Nadine kaya ipinakita ng dalawa sa pamamagitan ng isang dance number ang teaser ng mga eksena na dapat abangan sa kanilang pelikula.

Ipinarinig ni Sam ang sariling version niya ng "Ikot-Ikot," ang hit song ni Sarah Geronimo, na gagamitin din sa Indak.

Kabilang si Gary Valenciano sa mga celebrity na nanood ng The Cr3w.

Nagpaunlak si Gary na umakyat sa stage at nakisali sa pagkanta ng "Filipina Girl," ang single mula sa Work in Progress album ni Billy.

Hindi lamang sina Nadine, Coleen, at Yassi Pressman ang special guests sa The Cr3w dahil performers din ang 45-members ng P-Pop Generation at ang international Asian pop group na Z-Boys at Z-Girls.

Sinakop ng P-Pop Generation members ang malawak na stage ng Smart Araneta Coliseum kaya hindi makapaniwala ang manonood na may Pinoy Pop group sa Pilipinas na 45 ang mga miyembro, may nightly show mula Martes hanggang Sabado na isang taong mapapanood sa Teatrino Greenhills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-umpisa noong January 2019 at matatapos sa December 2019 ang Teatrino show ng P-Pop Generation.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results