Jim Paredes lie low muna sa social media at newspaper column?

Patuloy pa rin ang pambabatikos sa kanya.
by Jojo Gabinete
Apr 7, 2019
Tila magla-lie low muna si Jim Paredes sa social media at sa column niya sa The Philippine Star.
PHOTO/S: Jim Paredes on Facebook

Hindi lumabas ngayon, April 7, 2019, ang "Humming in My Universe," ang Sunday column ni Jim Paredes sa The Philippine Star.

May mga haka-haka tuloy na baka may kinalaman ang pagkalat ng private video niya na pumutok noong April 1, 2019, at hanggang ngayon, pumupukaw sa interes ng publiko.

Huling lumabas ang weekly column ni Jim noong March 31, 2019, isang araw bago sumabog ang video scandal niya, at "The art of travelling that I have learned" ang pamagat ng last article niya.

Ikinuwento ni Jim ang biyahe nila ng asawa niya sa Portugal at Paris, pati ang pagkikita nila ng kanyang anak na si Erica na nagdala sa kanila sa isang famous one-star Michelin restaurant.

Si Erica ang chef daughter ni Jim na nadamay sa video scandal ng kanyang ama. Sa kabila ng pag-amin at paghingi ni Jim na paumanhin dahil sa "irresponsibility" niya, patuloy ang pagbatikos sa kanya ng ilan sa mga kababayan nating sarado na ang isip sa pagpapatawad at mas gustong pairalin ang pagkamuhi sa isang repentant person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napagdiskitahan naman si Erica ng bashers ng ama niya nang magdeklara siya na magpapahinga muna sa social media, at ang katwiran niya ay "not as fun as it used to be" at "too much toxic energy."

Kung hindi naglabas ng announcement si Erica, naiwasan sana na maging biktima siya ng ruthless bashers at haters ng tatay niya.

Dahil sa post ni Erica, siya ang napagbalingan ng mga bashers. Masasakit ang mga personal na batikos sa anak ni Jim na tao lamang para maapektuhan ng mapanghusga na lipunan.

Ibinabalik kay Jim ang sisi dahil kung naging maingat at responsable ito sa paggamit ng social media, walang puwedeng isumbat laban sa kanya.

Active pa rin si Jim sa Twitter, pero puro retweets lang ang kanyang mga post at press time.

Hindi pa siya naglalabas ng pahayag tungkol sa dahilan ng hindi paglabas ngayon ng Sunday column niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila magla-lie low muna si Jim Paredes sa social media at sa column niya sa The Philippine Star.
PHOTO/S: Jim Paredes on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results