Kim Chiu-Xian Lim teleserye, kasado na?

IMAGE Mark Atienza

Ikinatuwa ng fans nina Xian Lim at Kim Chiu ang balitang malaki ang posibilidad na muling magtambal ang dalawa sa isang pinaplanong television series ng ABS-CBN na comparable ang kuwento sa blockbuster Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang magbida sina Xian at Kim sa Story of Us, ang romantic drama television series ng Kapamilya Network noong 2016, kaya ang magkaroon uli sila ng project na magkasama ang hiling ng loyal fans nila.

Nag-alala ang mga tagahanga ng dalawa na baka mabuwag na ang loveteam na sinusuportahan nila nang lumipat si Xian sa Viva Artists Agency noong January 2018, pero nagbitaw ang aktor ng assurance na kahit magkaiba na ang mga talent management agency na namamahala sa career nila ni Kim, mananatili at hindi mawawala ang kanilang KimXi tandem.

Kabilang nga pala si Kim sa mga artista ng ABS-CBN at GMA-7 na nagsanib-puwersa para palaganapin ang kapayapaan sa buong mundo sa pamamagitan ng pagdarasal at ng "A World at Prayer is A World at Peace" project nina Archbishop Soc Villegas at Mrs. Marichu Vera Perez-Maceda.

Ibinahagi ni Kim ang pagiging devotee niya kay Padre Pio kaya madalas siyang nagsisimba sa Saint Pio Chapel sa Libis, Quezon City.

Makikita sa steel grills sa side entrance ng Saint Pio Chapel ang libu-libong mga nakasabit na Holy Rosary na iniiwan ng mga deboto ng Patron Saint of Healing na kinabibilangan ni Kim.

“I was born and raised by mom na every Sunday, nagsisimba kami.

“Padre Pio devotee ako. I offer a prayer sa rosary and I offer that rosary doon sa church.

“Ang dami ko nang rosaries na naiiwan doon sa simbahan na ‘yon.

“When I pray, alam ko kausap ko ang Panginoon dahil kay God, walang imposible, walang masama, walang tama, walang mali.

“Just lift everything to Him because this life is His gift to us.

“With the power of prayer, alam natin na may nakakausap tayo who’s greater than anybody else.

“Huwag nating kalilimutan ang magdasal at ialay ang lahat sa kanya,” kuwento ni Kim tungkol sa kanyang malakas na pananampalataya sa Diyos.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN