Polo Ravales, naniniwalang virgin pa si Kiray Celis

IMAGE Screen grab from YouTube

Sa dalawang linggong pananatili nila sa Baguio City para sa shooting ng Portrait of My Love, hindi nakilala nang personal ni Polo Ravales ang karelasyon ni Kiray Celis, kaya nagkaroon ng mga dudang imaginary lamang ang boyfriend ng comedienne.

“Totoo naman, ipinakita niya sa akin yung picture.

“Mukha naman siyang in love.

“Dumalaw ‘yon sa Baguio pero magkahiwalay kami ni Kiray ng place, so kapag may breaktime kami, kapag may araw kami na walang gagawin, ang alam ko, dumalaw sa kanya pero hindi ko nakita,” ang pagtatanggol ni Polo kay Kiray na ayaw ipakilala sa publiko ang boyfriend para hindi umano magulo o intrigahin ang kanilang relasyon.

“Bakit naman hindi? Mabait naman si Kiray.

“Nakakatawa siya. No dull moments with her, so why not?” ang sagot naman ni Polo sa hypothetical question na posible bang ma-in love siya kay Kiray na paboritong hawakan ang kanyang maskuladong dibdib.

“Yun nga, lagi niyang hinahawakan yung chest ko.

“Naaaliw siya. Mas malaki raw ang chest ko kesa sa kanya. Tuwang-tuwa siya.

“Walang malisya ‘yon. Saka virgin pa yung tao, sabi niya,” muling depensa ni Polo kay Kiray dahil binibigyan ng malisya ang madalas na paghawak sa dibdib niya ng kanyang kapareha sa Portrait of My Love.

“Ako naniniwalang virgin pa siya, puwedeng oo.

“Dalagang Pilipina naman si Kiray.

“Parati niyang kasama yung mommy niya, yung family niya.

“Saka gusto niya, kasal muna. Hayaan natin ang gusto niya.”

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN