Loisa Andalio, balak i-repackage bilang sexy actress tulad ni Alma Moreno

IMAGE Video 48 / Instagram

Ang alleged viral video ni Loisa Andalio ang possible reason kaya plano ng kanyang home studio na i-repackage siya bilang sexy actress.

After all, 20 years old na siya sa kanyang birthday sa April 21, 2019.

Reportedly, kinausap na si Loisa ng isang executive ng ABS-CBN para kumbinsihin siyang i-reinvent ang sarili bilang sexy actress tulad ni Alma Moreno.

Pero sa kasamaang-palad, hindi kilala ni Loisa ang sex symbol na namayagpag noong dekada’70 at ’80.

Understandable na hindi kilala ni Loisa si Alma dahil hindi pa siya isinisilang noong kasikatan ng sexy actress na isa sa mga may pinakamaganda at inosenteng mukha sa local showbiz.

Pero kung seseryosohin ni Loisa na kilalanin si Alma, malalaman niyang "Sex Goddess of Philippine Movies "ang title ng former sexy actress, na magdiriwang naman ng 60th birthday sa May 25, 2019.

Kung magre-research si Loisa, magkakaroon siya ng realization na kahit magdesisyon siyang magpaseksi sa kanyang mga future television and movie assignment, hindi na niya mahihigitan at mapapantayan ang bilang ng blockbuster films na pinagbidahan noon ni Alma dahil ibang-iba na ngayon ang sitwasyon ng Philippine movie industry.

Baka magulat si Loisa kapag nalaman nitong kahit dalawang beses nang nanganak si Alma—sa mga anak na sina Mark Anthony Fernandez na isinilang noong January 28, 1979 at Vandolph Quizon na ipinanganak naman noong May 7, 1984—bago pa ito naging karelasyon ni Joey Marquez, successful ang comeback movies niya dahil sa kanyang malakas na charisma sa publiko.

Trivia: Si Mark Anthony Fernandez ang love child ni Alma at ng action superstar na si Rudy Fernandez.

Nang ipagbuntis ni Alma si Mark noong 1978, nagawa niyang ilihim sa publiko ang kanyang kalagayan sa tulong ng entertainment press, na proof na mapagkakatiwalaan at marunong silang magtago ng sikreto.

Anak naman ni Alma si Vandolph sa Comedy King na si Dolphy.

Nag-umpisa ang relasyon nina Alma at Mang Dolphy sa set ng Titser’s Pet, ang comedy movie na ginawa nila noong 1981 sa RVQ Productions, ang movie company ng pumanaw na komedyante.

Fifty-three years old si Mang Dolphy at 22 years old si Alma nang magsimula ang love affair nila na tumagal ng walong taon.

Si Joey Marquez ang nakarelasyon at, eventually, pinakasalan ni Alma nang maghiwalay sila ni Mang Dolphy noong 1989.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN