Maricel Soriano at Janella Salvador, magsasama sa isang horror movie

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

The Heiress ang working title ng pelikulang pagsasamahan nina Maricel Soriano at Janella Salvador sa kauna-unahang pagkakataon.

Misleading ang pamagat ng project na mapagkakamalang isa itong drama movie, dahil in reality ay horror movie ang Maricel-Janella starrer.

Magsisimula sa May 3 ang principal photography ng The Heiress na ipo-produce ng Regal Entertainment, Inc.

Continue reading below ↓

Si Frasco Mortiz ang direktor at si Gina Marissa Tagasa ang sumulat ng script, pero hindi pa puwedeng i-reveal ang plot para hindi makopya.

Sina Maricel at Janella pa lang ang mga siguradong kasama sa cast ng The Heiress dahil hinihintay pa ang kumpirmasyon nina Carmina Villarroel at McCoy de Leon.

Kapag kumpleto na ang cast, magkakaroon ng story conference pagkatapos ng Holy Week ang lahat ng involved sa production.

Nakipag-meeting lang ang Regal producers na si Mother Lily Monteverde at ang anak nitong si Roselle kina Maricel at Janella ngayong Martes, April 9.

Present sa naganap na meeting si Frasco at ang Regal creative consultants na sina Joey Reyes at Eric Quizon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results