Litrato nina Marjorie Barretto at former Mayor Recom Echiverri, di sinasadyang lumabas?

IMAGE Nice Print Photo Instagram

Matagal nang isyu ang rumored relationship ni Marjorie Barretto kay former Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri, at may anak sila.

Pero walang lumalabas na ebidensiyang magkasama ang dalawa, maliban sa isang litratong tila hindi sinasadyag nai-post sa Instagram account ng isang photo-video coverage company.

Mismong si Gretchen Barretto ang nagsasabi noon na karelasyon ng kanyang kapatid ang dating alkalde ng Caloocan City.

Inulit ito ni Gretchen sa kanyang vlog noong nakaraang buwan nang ipagtanggol niya si Kier Legaspi. ang biological father ng panganay na anak ni Marjorie na si Dani Barretto.

Pahayag ni Gretchen: "Siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani, hindi siya mayaman, hindi siya mayor ng Caloocan, wala siyang limpak-limpak na pera. 'Yan ang kasalanan ng isang Kier."

Noong nakaraang taon, pinag-usapan ang desisyon ni Marjorie na ipakilala sa publiko ang kanyang youngest daughter na si Erich, na nagdiwang ng 7th birthday sa isang events place kahapon, April 9.

Apparently, hindi napansin ng nag-upload ng mga litrato na kasama sa mga inilabas niya ang cozy picture nina Marjorie at Recom dahil nakatuon ang kanyang atensiyon sa larawan ng magkapatid na Julia at Erich.

Ramdam naman sa birthday message ni Marjorie para kay Erich ang sobra-sobrang pagmamahal sa kanyang youngest daughter.

Ito ang buong mensahe ni Marjorie para sa anak na ipinost niya sa Instagram:

"Everyday since the day she was born, I would whisper to her... 'Thank you Lord for giving me Erich.'

"....and when she was about 3 years old, she would excitedly complete my sentence... I would say Thank you Lord for giving me.... then she would shout ERICH!

"Now that she’s bigger, she just says Erich hurriedly, sometimes she gets annoyed how I still make her kulit about it.

"But I need her to know everyday, how much our lives have been blessed with her life, our sweet, super charming, very articulate, sensitive, strong willed, witty, very funny, intelligent (Excellent grade in Mandarin too) confident, and LOVING daughter.

"Our 7 year old who acts and talks like she’s 25! Her dream is to be a singer, actress, veterinarian and a YouTube star. But our dream for her is to be a lawyer, and believe me, she has the makings of being a great one.

"Happy Birthday to our Buriching, our Coco, her siblings Bunny, Chuchay and Patutay, But for me, you will always be God’s greatest gift to Mommy.

"I do love you with ALL my heart and soul. Let’s have a blast today! All your birthday dreams and more will come true"

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN