Litrato nina Marjorie Barretto at Recom Echiverri, binura na

IMAGE Nice Print Photo Instagram

Naniniwala ang Cabinet Files na hindi sinasadya ang posting sa Instagram account ng isang digital photo-video coverage company ng litrato nina Marjorie Barretto at former Caloocan City Mayor Recom Echiverri.

Kuha ito sa 7th birthday celebration ng youngest daughter ni Marjorie na si Erich na ginanap sa The Blue Leaf, kahapon, April 9.

Dalawang oras matapos i-upload ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang report tungkol sa lumitaw na litrato nina Marjorie at Echiverri, binura ito ng administrator ng Instagram account ng digital photo-video coverage company kaya lalong tumibay ang aming hinalang honest mistake ang nangyari.

Past 6 P.M. nang i-post ng PEP.ph ang report, kasama ang intriguing photo.

Eksaktong 8 P.M. nang burahin ito ng administrator ng digital photo-video coverage company.

Nagkaroon kami ng hinalang tatanggalin ang litrato nina Marjorie at Echiverri kapag lumabas ang report ng PEP.ph.

Ito ang dahilan kaya nag-secure ang Cabinet Files ng screenshot ng before-and-after posting ng larawan na matibay na pruwebang aksidente lang at walang intensiyong lumikha ng kontrobersiya ang nabanggit na digital photo and video company, na hindi nawawalan ng mga ex-deal agreement sa mga showbiz personality na nagpapakasal, nagpapabinyag, at nagdiriwang ng kaarawan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN