Hellboy, mas masahol pa sa horror movies ang violent scenes

by Jojo Gabinete
Apr 11, 2019

Noong April 9 ang premiere night ng Hellboy sa Robinsons Movieworld Galleria.

Pero bago nag-umpisa ang screening, may embargo document na pinapirmahan sa invited guests ang Millennium Films sa pamamagitan ng Viva International Pictures, ang local distributor ng Hollywood movie na pinagbibidahan nina David Harbour at Milla Jovovich.

Nakasaad sa embargo agreement na puwede lamang maglabas ng reviews sa print, online publication kabilang ang social networking sites tulad ng Twitter, Facebook, etc. sa Miyerkules, April 10, 3 P.M. (Pacific Time), ang mga dumalo sa special screening ng Hellboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna nang napanood sa Asian countries ang Hellboy dahil sa April 12 pa ang cinema playdate ng pelikula sa North America.

Isang American dark fantasy superhero film ang Hellboy na masahol pa sa mga horror movie ang mga bayolente at madudugong eksena, pero nagustuhan ito ng mga nanood na manghang-mangha sa special effects at production design.

Dahil sa mga gory scene, R13 ang classification ng MTRCB sa Hellboy, na nagsimula noong September 2017 ang principal photography at natapos ang shooting noong December 2017.

Sequel ng 2008 movie na Hellboy: The Golden Army ang original plan sa Hellboy.

Pero naging R-rated reboot ang project dahil tumanggi ang original star na si Ron Perlman na gawin ang pelikula nang malaman niyang hindi na si Guillermo del Toro ang writer-director.

Si Guillermo ang writer-director ng Hellboy noong 2004 at ng Hellboy: The Golden Army.

Siya rin ang sumulat ng kuwento at direktor ng The Shape of Water, ang best picture ng 90th Academy Awards.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results