Jelai Andres, itinangging siya ang source ng fake news tungkol kay Jon Gutierrez

IMAGE Instagram

May mga nagsasabing hindi dapat seryosohin ang balita tungkol sa paghihiwalay ng Internet star na si Jelai Andres at ng asawa nito, ang Ex Battalion member na si Jon Gutierrez.

Ayon sa mga nakakaalam sa tunay na kuwento, away-mag-asawa lang ang nangyayari ngayon kina Jelai at Jon, na nagpakasal noong October 2018, kaya may posibilidad na maayos ang mga problema sa pagsasama ng dalawa.

Naniniwala ang mga nasa paligid ni Jelai na mahal pa rin nito si Jon dahil nalulungkot siya kapag nababasa ang negative comments ng publiko tungkol sa asawa niya.

Sumumpa si Jelai sa isang kaibigan na hindi siya ang source ng negative news tungkol kay Jon dahil hindi ang tipo niya ang mahilig mag-post sa social media ng kasiraan ng ibang tao, lalo na ng kanyang asawa.

Pinanindigan ni Jelai na mga "poser" ang nagkakalat ng mga maling balita tungkol sa mga nangyayari sa personal na buhay nila ni Jon.

Introducing si Jon at ang ibang mga miyembro ng Ex Battalion sa Sons of Nanay Sabel, ang Mother’s Day presentation ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 1.

Ngayong hapon, April 11, ang grand presscon ng pelikula na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas at tiniyak ng isang insider na magbibigay ng pahayag si Jon tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jelai para magkaroon na ng closure ang isyu.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN