Gaya ng report ng PEPp.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 29, 2019, na-acquire ng Netflix ang rights sa Maria, ang hardcore action movie ng Viva Films na pinagbibidahan ni Cristine Reyes at ipinalabas sa cinemas nationwide noong March 27, 2019.
Hindi muna kinumpirma ng Viva Films ang balita hangga’t hindi lumalabas ang official announcement mula sa Netflix.
Noong April 11, 2019, inilabas ni Liz Shackleton ng Screen Daily ang exclusive report na nakuha ng Netflix ang karapatan para sa female-centric pic na magsisimula ang worldwide streaming sa May 17, 2019.
Ayon kay Shackleton, strong reviews ang tinanggap ng action debut ni Cristine dahil sa acting, direction, stunts at cinematography ng Maria.
Sina Guji Lorenzana, Ivan Padilla, KC Montero, Jennifer Lee, Ronnie Lazaro at Cindy Miranda ang co-stars ni Cristine sa Maria.
Tuwang-tuwa ang Maria stars sa official announcement na mapapanood sa Netflix ang kanilang pelikula, isang sikreto na inilihim muna nila nang matagal.
Pero sa story conference ng Sanggano, Sanggago at Sanggwapo noong March 8, 2019, nadulas si Cindy dahil hindi sinasadya na nabanggit nito na ipalalabas sa Netflix ang kanilang pelikula.
“So we can finally announce that the movie I’ve been annoyingly promoting lately will be streaming worldwide on Netflix, May 17,” ang reaksyon naman ni KC nang matiyak nito na puwede nang sabihin sa publiko ang good news tungkol sa Maria.
Kontrabida si KC sa Maria at ito ang unang pagkakataong gumanap siya ng isang off-beat role sa pelikula.
Positive naman ang mga feedback sa kanyang performance sa Maria na sigurado nang magkakaroon ng sequel, ayon sa direktor na si Pedring Lopez.