Anjo Yllana, regalo sa sarili ang pagpapahinga sa pulitika

IMAGE Instagram

Incumbent councilor si Anjo Yllana ng 5th District ng Quezon City mula pa noong June 2013, pero nagpasya siyang huwag nang kumandidato para sa ikatlong termino ng kanyang panunungkulan bilang public servant dahil ito ang 50th birthday gift niya sa sarili.

Imbes na muling tumakbo, ang younger brother niyang si Paulie Yllana ang pinakandidato ni Anjo na konsehal ng 5th District ng Quezon City.

"Gift ko sa sarili,” pahayag ni Anjo sa Cabinet Files.

"My my gift is when I turned 50 years old, chill muna sa politics, regroup, re-establish my priorities as a public official.

"I entered showbiz in 1984. Sabi ko, pahinga muna ako ng three years and I convinced my brother. Siya lang ang hindi naging konsehal.

"Also, I want to give my brother a chance to serve and see what he's got.

"I think I am the only incumbent city councilor who did not run.

"Besides, I have fulfilled my promises to my constituents.

"And it’s hard to report Monday to Saturday to Eat Bulaga while being a councilor, but I delivered anyway."

Sa kabila ng desisyon niyang magpahinga sa public service, hindi nawawala sa isip ni Anjo na ipagpatuloy ang paglilingkod sa kapwa.

May plano siyang kumandidatong senador sa eleksyon sa 2022, pero ipinauubaya niya sa Diyos ang lahat. 

"I just want a three-year break after entering politics back in 1997.

"I still have a lot of visions and dreams to help the country, city etc.

"I am considering running for senator in 2022 but it all depends if God wants to.

"My dream is make the Philippines a 2nd world country.

"Korea, Japan, and Vietnam made it even after a war so I think public servants enjoy the perks and corruption rather than for example developing our own car, television, camera just like South Korea.

"That's all but so far just a dream," sabi ni Anjo, na hindi nawawalan ng pag-asang darating ang panahong magiging maunlad din ang ating bayan tulad ng mga bansang binanggit niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN