Kevin Balot at Matrica Mae Matmat Centino, na-feature sa docu film tungkol sa transgender woman

Mexican transgender woman, tampok sa docu film na Made In Bangkok
by Jojo Gabinete
Apr 15, 2019

Sina Kevin Balot at Matrica Mae Matmat Centino ang dalawang Filipino transgender women na may special participation sa Made in Bangkok, ang 2015 documentary movie ni Argentinian-Mexican director Flavio Florencio na mapapanood na sa Netflix.

Tungkol sa sex reassignment journey ng Mexican transgender opera singer na si Morgana Love ang kuwento ng Made in Bangkok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gustung-gusto ni Morgana na ipatanggal ang kanyang male sex organ, pero kailangan niya ng halos sampung libong dolyar (US dollars) na hindi madali para sa kanya dahil sa kawalan ng pera.

Sumali si Morgana sa Miss International Queen noong 2012 dahil sa paniniwalang kapag nakuha niya ang title, matutupad na ang kanyang pangarap na sumailalim sa sex reassignment surgery sa pamamagitan ng premyo na mapapanalunan.

Ang Miss International Queen ang annual beauty pageant para sa transgender women na ginaganap sa Tiffany Show sa Pattaya City, Thailand.

Nagkaroon ng special participation sina Balot at Centino sa documentary movie ni Florencio dahil kapwa mga contestant ang dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

(L-R) Kevin Balot, Morgana Love, and Matrica Mae Matmat Centino

Si Balot ang nanalo na Miss International Queen 2012, samantalang mga special award na Miss Perfect Skin at Best Talent ang 2nd runner-up si Centino na pinili na i-represent ang Guam kesa sa Pilipinas.

Kilalang-kilala si Centino ng viewers ng It’s Showtime ng ABS-CBN dahil siya ang first runner-up sa grand finals ng "Miss Q & A" noong June 30, 2018.

Hindi pinalad na magwagi sa Miss International Queen 2012 si Morgana, pero mahigit pa sa beauty title ang kanyang napanalunan.

Dahil sa tulong ni Florencio, natupad ang pangarap niyang sex reassignment surgery.

Habang nagaganap ang grand finals ng Miss International Queen 2012, isang representative ni Dr. Preecha Tiewtranon ng Preecha Aesthetic Institute sa Bangkok ang pumunta sa backstage, lumapit, nagpakilala, nagbigay ng calling card kay Morgana.

Sinabi nitong handa ang sikat na Thai sex reassignment surgeon na operahan siya nang walang anumang kapalit na bayad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fan si Dr. Preecha ng opera music at nakuha ni Morgana ang kanyang atensiyon dahil sa soprano voice ng Mexican transgender woman.

Tagumpay ang sex reassignment operation kay Morgana, pero hindi rito natapos ang kuwento.

Nang bumalik si Morgana sa Mexico para bisitahin ang ama nito, nag-disguise pa rin siyang lalaki dahil hindi pa tanggap ng tatay niya ang kanyang pagkatao.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results