Breakthrough, magpapatunay na totoo ang himala ng Diyos

by Jojo Gabinete
Apr 15, 2019

Hindi masasayang ang panahon at pera ng mga nagpaplanong panoorin ang Breakthrough, ang American Christian drama movie na base sa tunay na pangyayari at palabas pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan sa Pilipinas.

Halaw ang kuwento ng Breakthrough sa The Impossible: The Miraculous Story of a Mother’s Faith and Her Child’s Resurrection, ang libro na isinulat ni Joyce Smith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Joyce ang adoptive mother ni John Smith, ang 14-year-old Guatemalan na clinically dead nang dalhin sa ospital dahil nalaglag at 15 minutong nakalubog sa icy lake ng Saint Louis sa Missouri, USA, noong February 2015.

Isang malaking himala na nabuhay si John dahil sa hindi mapapantayang pananalig sa Diyos ng kanyang ina.

Big news sa buong mundo noong 2015 ang survival story ni John dahil kahit ang mga doktor na gumamot sa kanya, naniniwalang himala ng Diyos ang nangyari.

Akmang-akma para sa Holy Week ang Breakthrough, na hindi sinasadyang pinanood namin dahil hindi kami umabot sa screening ng animated adventure film na Missing Link.

Dalawang bata—isang 9-year-old boy at 8-year-old girl—ang aming kasama sa panonood ng Breakthrough.

Pero hindi namin inaasahang magugustuhan nila at maaapektuhan sila ng kuwento ng pelikula.

Sa isang very emotional scene ng Breakthrough, biglang pumalahaw ng iyak ang 8-year-old girl na si Summer dahil apektadong-apektado siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinatahan namin ang bata para hindi makaistorbo sa audience na maririnig ang pagsinghot dahil sa pag-iyak.

Interesadong-interesado naman ang 9-year-old boy na si Pierre sa kuwento ng Breakthrough dahil matapos mapanood ang pelikula, pinanood niya sa YouTube ang mga guesting ng mag-inang Joyce at John sa mga U.S. talk show.

Napaiyak din ang radio DJ na si Mr. Fu nang panoorin nito ang Breakthrough kaya nagsalita siya ng: "Hindi ako scheduled umiyak ngayon pero on cue ang tears ko sa pelikulang ito."

Sina Chrissy Metz at Marcel Ruiz ang gumanap bilang Joyce at John Smith sa very inspiring movie.

Nakalagay sa production notes ng Breakthrough na ang trailer nito ang most-viewed for a religious film nang i-release noong December 5, 2018 dahil sa 30 million views sa loob lamang ng dalawang araw.

Highly-recommended namin sa lahat na panoorin ang Breakthrough, ang pelikulang magpapaalaala na totoong may Diyos at totoong nangyayari ang mga himala kaya hindi tayo dapat makalimot na manalig at magdasal sa Kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Postscript: Nagbukas sa Philippine cinemas noong April 10, 2019 ang Breakthrough, na nauna nang ipalabas sa ating bansa dahil sa April 17 pa ang playdate ng pelikula na Easter Presentation sa North America.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results