Sino ang misteryosong bata na nakilala ni Tom Rodriguez sa Maledicto shooting?

IMAGE Tom Rodriguez Instagram

Ang Maledicto director na si Mark Meily ang nagkuwento tungkol sa eerie experience nila ni Tom Rodriguez sa shooting ng kanilang horror movie sa isang simbahan noong June 2018.

Tungkol sa six-year-old na si Luiz ang makapanindig-balahibo na kuwento ni Meily.

Pinatotohanan ito ni Tom sa presscon ng kanilang pelikula na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 1, 2019.

Hindi kathang-isip ang karanasan nina Meily at Tom dahil may ebidensiya ang aktor—ang video conversation nila ng mysterious kid na naka-post sa kanyang Instagram account mula pa noong June 7, 2018.

"Yung bata sa simbahan na yun na sinasabi na doon nagtatrabaho yung lola niya at saka bibong bata, ang daming alam, 'tapos nalaman namin, walang nakakakilala sa kanya duun sa simbahan," sabi ni Tom.

Gulat na gulat ang aktor dahil ngayon lamang niya nalamang sementeryo ang likod ng simbahan na ginamit na location ng shooting nila.

Si Meily ang detalyadong nagkuwento tungkol sa misteryosong batang tinutukoy ni Tom, na nakita rin niya pero walang nakakakilala.

"There was this little boy, six years old, na noong nagsu-shooting si Tom ng role ng priest, sumisigaw yung bata ng 'Mali 'yan, dapat nauna yung Bible bago yung cross.'

"'Tapos, sasabihin niya, 'Yung kandila, mali. Dapat sindihan niyo yung kaliwa saka yung kanan. Saka yung malaking kandila, sisindihan niyo rin yun.'

"Siya yung nagsasabi kung ano dapat gawin.

"So, sabi namin, bakit alam niya? Sabi niya, 'Kasi sakristan ako dito.'

"'Paano ka naman naging sakristan dito?'

"'Kasi yung lola ko, nagtatrabaho dito sa parish.'"

Patuloy ni Meily, "A week later, bumalik ako sa same location, we were shooting there, we're looking for the little boy.

"Sabi niya [ng napagtanungan na tao], 'Sinong little boy?'

"'Yung maliit, si Luiz.'

"'Wala hong boy dito na Luiz.'

"Sabi ko pa, 'Hindi, may lola siya. Nagtatrabaho sa parish office.'

"'Wala hong lola or matatanda, puro mga bata.'

"'Sabi niya, sakristan siya dito.'

"'Lahat po ng sakristan namin, walang six-year-old. Walang bata na sakristan.'

"'So, wala na siya, hindi na namin nakita. So, parang, 'What was that?'

"After that day, after that shoot, we never saw him again and nobody knows about him," kumpletong kuwento ni Meily.

Ayon sa direktor, updated din daw si Luiz tungkol sa kuwento ng The Cure, ang defunct primetime show ng GMA-7 na pinagbidahan ni Tom.

Sa pamamagitan ng Instagram post ni Tom noong June 2018, baka-sakaling may makakilala kay Luiz para magkaroon ng linaw at kasagutan ang misteryong biglang paglitaw at pagkawala niya sa set ng Maledicto, para na rin sa ikapapanatag ng kalooban ng direktor at lead actor ng pelikula.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN