Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Clint Bondad at Greg Hawkins, pinagpilian bilang leading man ni Jennylyn Mercado

by Jojo Gabinete
Apr 17, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Pinasalamatan ni Clint Bondad si Jennylyn Mercado sa grand presscon ng Love You Two ng GMA-7 noong April 12 dahil kung hindi raw dahil sa aktres, hindi siya makakapasok sa Kapuso Network.

Ang guesting nila ni Jennylyn noong November 18, 2018 sa Dear Uge ang tinutukoy ni Clint.

Pero clueless ang model-actor sa inside story ng pagkakapili sa kanya bilang leading man sa episode ng Dear Uge na may pamagat na "Kuha Kita."

Continue reading below ↓

Si Clint at ang It’s Showtime former Kuya Escort na si Greg Hawkins ang mga pinagpilian para makapareha ni Jennylyn sa episode ng Sunday comedy anthology ni Eugene Domingo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Walang nakakaalam sa contact number ni Clint kaya ang manager ni Greg na si Lito de Guzman ang unang tinawagan ng coordinator.

Agad na tinanggap ni Lito ang offer, pero nang malapit na ang taping day, humingi siya ng paumanhin dahil hindi na available si Greg.

Noong mga panahong yun, umaasa pa rin si Greg na makababalik sa It’s Showtime at nag-alala siyang baka ang paglabas niya sa programa ng GMA-7 ang maging dahilan o sagabal sa kanyang pagbabalik sa noontime show ng ABS-CBN na hindi nangyari.

Nang mag-back out si Greg, si Clint ang naging replacement niya.

Nakuha ang contact number ni Clint mula sa kanyang girlfriend na si Catriona Gray, na pinaghahandaan pa lamang noon ang pagsali sa Miss Universe 2018.

Continue reading below ↓

Sa tulong ni Catriona, na-contact si Clint at ito nga ang naging kapareha ni Jennylyn sa Dear Uge.

Marami ang kinilig sa tambalan nina Clint at Jennylyn dahil may chemistry sila, kahit public knowledge na may mga karelasyon ang dalawa.

Ang mga positive feedback tungkol sa partnership nila sa Dear Uge ang sinasabi na dahilan kaya muling pinagsama sina Clint at Jennylyn sa Love You Two, ang primetime show ng GMA-7 na magsisimula sa darating na Lunes, April 22.

Postscript: Marami na ang nangyari mula noong November 2018.

"Naghiwalay" na sina Clint at Catriona matapos manalo ni Catriona sa Miss Universe sa Bangkok, Thailand noong December 2018.

Nagkaroon din ng falling out sina Lito at Greg kaya naghihintay ang lahat kung itutuloy ng palaban na talent manager ang kanyang banta na ipade-deport si Greg na wala ni katiting na dugong Pilipino dahil umano sa kawalan ng utang na loob.

Ang relasyon na lamang ni Jennylyn sa kanyang boyfriend na si Dennis Trillo ang nananatili na matatag at controversy free.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results