Former Governor ER Ejercito in favor of naming celebs on drug list

by Jojo Gabinete
Apr 17, 2019
Sang-ayon si former Laguna Governor ER Ejercito na pangalanan ang mga artistang nali-link ngayon sa paggamit at pagbebenta ng illegal drugs.
PHOTO/S: Facebook

Kahit tutol ang ilang mga kapwa aktor, pabor na pabor si ER Ejercito na pangalanan ang mga artistang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

"Kung sa akin, dapat ilabas ang mga pangalan, dahil sa Amerika, inilalabas, e.

"Yung mga problema sa alcoholism at drugs, inilalabas.

"Para hindi masira ang buhay, i-rehab agad," sabi ni ER.

Pero aniya, marami sa kanyang kasamahan sa entertainment industry ang nakiusap sa pamahalaan na huwag pangalanan ang mga artistang nasa listahan.

Nito lamang March, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mayroon silang 31 artistang diumano'y involved sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

LENTEN SEASON

Samantala, ipinagbabawal ng Commission on Elections ang pangangampanya mula Maundy Thursday hanggang Good Friday, kaya pahinga muna ang mga kandidatong tumatakbo sa midterm polls ng Mayo 13, 2019.

Ngayong Holy Wednesday, April 17, ang huling araw ng kampanya ng mga tumatakbo para sa iba’t ibang posisyon.

At tulad ng nakararami, gustung-gusto rin nila na makapagpahinga—na sabayan sana nila ng pagtitika at pagsisisi sa mga kasalanan—bago sumapit ang halalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YUL SERVO

Re-electionist si Yul Suervo bilang house representative ng third district ng City of Manila.

Marami ang naninibago kay Yul dahil hindi na siya ang dating mahiyaing aktor, na idinadaan sa matamis na ngiti ang pagkumbinsi sa kanyang mga kadistrito na siya ay iboto.

Ang sikreto ng newfound confidence ni Yul? Nag-enroll siya sa isang personality development school, na malaking tulong dahil confident na confident na si Yul sa pakikipag-usap at pakikiharap sa maraming tao.

DAN FERNANDEZ

Kinumpirma naman ng former actress na si Sheila Ysrael na unopposed sa congressional race sa first district ng Laguna ang kanyang asawang si Dan Fernandez kaya raw sure winner na ito.

Si Dan ang incumbent mayor ng Sta. Rosa City, Laguna.

EDU MANZANO

Sa lone district ng San Juan City, nagiging mainit ang congressional race dahil sa akusasyong hindi lehitimong residente ng naturang bayan si Edu Manzano.

Pero handa raw si Edu na ilabas ang titulo ng tahanang pag-aari niya, na mahigit isang dekada na raw niyang tinitirhan sa San Juan City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinasabi ng mga supporter ni Edu na ang mga naninira sa kanya ang may dapat na ipaliwanag sa residency issue.

LANI MERCADO

Ayon kay Lani Mercado, technically, wala siyang kalaban sa mayoral race sa Bacoor City, dahil sa disqualification case na isinampa laban sa isang kandidato, na diumano'y nagbitaw ng salita na “for compliance” ang pagtakbo nito.

JOLO REVILLA

Panalo na rin ang anak ni Lani na si Jolo Revilla, ang incumbent vice governor ng Cavite.

Ito ay dahil sa unopposed si Jolo para sa napipintong ikatlong termino niya sa parehong posisyon.

Sa ngayon, tumutulong siya sa kampanya ng kanyang ama, si Bong Revilla Jr., na kumakandidatong senador.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sang-ayon si former Laguna Governor ER Ejercito na pangalanan ang mga artistang nali-link ngayon sa paggamit at pagbebenta ng illegal drugs.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results