Dingdong Dantes, nakatakdang mag-renew ng kontrata sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Apr 17, 2019
PHOTO/S: @dongdantes Instagram

Sunud-sunod ang mga blessing na natanggap ni Dingdong Dantes ngayong Holy Week.

Kahapon, Holy Tuesday, April 16, isinilang ni Marian Rivera ang kanilang bunsong anak na binigyan nila ng pangalan na Jose Sixto Dantes IV.

Sa Lunes, April 22, isang araw pagkalipas ng Easter Sunday, muling pipirma si Dingdong ng exclusive contract sa kanyang mother studio, ang GMA Network Inc.

Continue reading below ↓

Nag-expire noong 2018 ang five-year exclusive contract agreement sa pagitan ni Dingdong at ng Kapuso Network, na pinirmahan nila, sa Manila Polo Club, noong September 14, 2013.

At the time, binatang-binata pa si Dingdong dahil hindi pa sila ikinakasal ni Marian.

Six years later, may dalawang anak na sila at successful married life.

Ang balita tungkol sa diumano'y pagbibida ni Dingdong sa Philippine adaptation ng popular Koreanovela na Descendants of the Sun ang isa sa mga tiyak na itatanong kay Dingdong sa contract signing niya sa darating na Lunes.

Panigurado ay kukumustahin din ang pakiramdam niya ngayong nagkaroon na sila ng anak na lalaki ni Marian.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @dongdantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results