US concert tour ni Gary Valenciano, nalambungan ng kalungkutan

by Jojo Gabinete
Apr 18, 2019
Hindi akalain ni Gary Valenciano ang naghihintay sa kanyang kalungkutan sa US.
PHOTO/S: @garyvalenciano on Instagram (main) / Manila Genesis (inset)

Malungkot si Gary Valenciano at ang pamilya niya dahil sa pagpanaw ng kanyang 84-year-old mother na si Grimilda Maria Santiago y Olmos sa Orlando, Florida noong April 17, 2019 (April 18, Manila time).

Pero mapalad pa rin siya dahil nakapiling niya ang kanyang ina bago ito binawian ng buhay.

Blessing in disguise din na nasa Amerika si Gary para sa He’s Back: Gary V., ang kanyang 35th anniversary US tour na nag-umpisa noong April 12 at matatapos sa April 28 sa Morongo Casino, Resort & Spa sa Cabazon, California, kaya nakapunta agad siya sa kinaroroonan ng nanay niya.

Noong April 12 ang concert ni Gary sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas at natapos naman noong April 14 ang kanyang anniversary show sa The Town Hall ng New York City.

Sa April 20 pa ang susunod na show ni Gary sa Pittsburg, California kaya nang matapos ang concert niya sa New York, nagpunta na siya sa Orlando para bisitahin ang kanyang ina.

Continue reading below ↓

Tiniyak ng isang malapit kay Gary na sa kabila ng pagluluksa nito, tuloy na tuloy ang kanyang April 20 concert sa Creative Arts Building Pittsburg High School sa Pittsburg, California at sa Saban Theater sa Los Angeles sa April 21.

Bago siya lumipad sa Amerika, humarap si Gary Valenciano sa entertainment press at sinabi niya ang nararamdaman na excitement para sa kanyang unang concert sa US pagkatapos ng kanyang heart and kidney surgery noong 2018.

Continue reading below ↓

“Kasama ko ang dalawang very talented young divas na sina Jona at Katrina Velarde, and I’m hoping that the people in the States will have fun and fall in love with the show that we have prepared for them,” ang pahayag noon ni Gary na walang kamalay-malay na malalambungan ng kalungkutan ang pagbabalik niya sa Amerika dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi akalain ni Gary Valenciano ang naghihintay sa kanyang kalungkutan sa US.
PHOTO/S: @garyvalenciano on Instagram (main) / Manila Genesis (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results