May trivia ang Maledicto director na si Mark Meily tungkol kay Miles Ocampo, isa sa mga artista ng horror movie na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 1, 2019.
Pinagbibidahan ito nina Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith, at Miles.
Ikinuwento ni Meily na ang Maledicto ang unang pelikula na pinagsamahan nila ni Miles, pero nakatrabaho niya noon ang former child actress sa television commercial para sa isang brand ng hotdog.
Masuwerte raw si Meily dahil mahuhusay ang mga artista na bida sa Maledicto.
"Si Miles, my first time to work with her...
"Revelation—to think na we used to work with her sa TV commercials, sa Bibo hotdog...
"Ngayon, hindi namin ma-connect na siya yung batang 'yon. But she’s very talented.
Panay din ang puri ni Meily kay Jasmine dahil kabisado na raw niya ito pagdating sa trabaho.
Kuwento pa ni Meily, "Sa lahat ng ayoko, yung artista na hindi nag-iisip o nagpe-prepare.
"I am very lucky kasi I’ve worked with Jasmine before, and wala nang usapan 'yon, sigurado na 'yon.
"All of the cast, talagang walang diva. Everybody knows their place. Everybody comes in the shoot prepared."
Pabiro namang inilarawan ni Meily ang isa pang cast member ng pelikula na si Inah de Belen.
"Laya namin siya napili, gusto namin ng nakakatakot. So may nagsabi, 'Kailangan kunin natin yung anak ni Janice!'"
Natawa ang entertainment press sa reference sa sikat na 1988 horror film na Tiyanak, kunsaan ang karakter na ginampanan ni Janice ay may ampong tiyanak.
Kasama sa cast ng Maledicto ang seasoned character actor na si Menggie Cobarrubias na tuwang-tuwa sa special treatment na natanggap ng Maledicto cast mula sa mga producer ng pelikula.
"I would like to thank Unitel, Straight Shooter, of course Fox Philippines, and my director for a most wonderful working condition.
"I was paid well," saad ni Menggie tungkol sa kanyang talent fee.
"I received it on time as promised. We had decent working hours, food was fit for human consumption, it was available for the whole time of the shooting.
"So puwede pala mangyari sa Pilipinas yung ganoong working condition."