Cindy Miranda, nagkuwento tungkol sa sakit sa kidney ng ama

by Jojo Gabinete
Apr 20, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @cindy Instagram

'Tulad ng kanyang kaibigan at kapwa-beauty queen na si Bea Rose Santiago, may kidney ailment at sumasailalim din sa dialysis treatment ang 57-year old father ni Binibining Pilipinas-Tourism 2013 Cindy Miranda.

Nananatiling positibo raw si Cindy at ginagawa ang lahat para matupad ang lahat ng mga pangarap dahil ikaliligaya ito ng tatay niya.

Continue reading below ↓

"He’s 57 pa lang. Bata pa, pero he’s really fighting talaga. Yung iba kasi, puwedeng mag-give up," kuwento ni Cindy tungkol sa kalagayan ng kanyang ama.

"Wala siyang bisyo noong bata—sweets lang, softdrinks... Hindi naninigarilyo, hindi umiinom.

"Yung lola at lolo ko sa father side, namatay because of diabetes."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon pa kay Cindy, matapang na hinaharap ng kanyang ama ang sakit nito.

"Right now, nagda-dialysis na siya. Iba na yung color niya, black na talaga, but he’s OK. Yun lang emosyonal.

"Sobrang hirap, pero nandiyan na 'yan, kaya nga yung maibibigay ko, ibibigay ko talaga.

"Siya, tanggap niya sa sarili niya, anytime," ani Cindy, na ang tinutukoy ay ang posibleng kahantungan ng kalagayan ng ama.

Pero giit ng beauty queen-actress, "Ako, gusto ko muna na sana makita niya na matupad talaga ang lahat ng pangarap ko.

"And I think nandito na ako, nagsisimula na ako.

"Gusto pa nga niya na makita ang kanyang apo from me. Sabi ko, 'Wait, wala pa sa plano ko.'"

Continue reading below ↓

Kung dati ay tutol ang kanyang ama sa pagpasok ni Cindy sa showbiz, tanggap na raw nito ngayon ang piniling career path ng anak.

Nakuha ni Cindy ang suporta at tiwala ng ama dahil pinatunayan daw niyang tama ang desisyon niyang pumasok sa showbiz.

"Pinagkakatiwalaan na niya ako sa lahat, 100 percent," nakangiting saad niya.

"Sinasabihan lang niya ako na, 'Mag-ingat. Basta may kailangan ka, tawagan mo lang ako anytime.'

"Yung phone niya, hindi naka-silent, in case of emergency."

Ano ba ang ipinapangamba nito noon?

Sagot ni Cindy: "Alam niya na may mga pumapasok sa showbiz na hindi successful, napapahamak. Alam niya yung mga kuwento na 'yon.

"And feeling nga niya, nakapag-aral ako, puwede akong maging flight attendant na lang—yung sure na buhay.

"Hindi ko na kailangan na makipag-kumpitensya sa ibang artista. Alam niya kasi ang kuwento ng showbiz."

Pero paniniguro raw niya sa kanyang ama: "Sabi ko sa kanya, 'Kaya ko ang sarili ko.'

Continue reading below ↓

"And I think ngayon, naniniwala siya na kaya ko ang sarili ko."

"Hindi ko pababayaan. Hindi ako magpapaloko kanino man. Alam niya na matapang ako.”

Read Next
Read More Stories About
Cindy Miranda
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @cindy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results