Dinky Doo, nabiktima ng death hoax

Dinky Doo, nabiktima ng death hoax
by Jojo Gabinete
Apr 22, 2019
PHOTO/S: CTTO

Binura ng isang character actor ang kanyang Facebook post noong Holy Week tungkol sa pagpanaw ng comedian na si Dinky Doo, Jr. dahil walang katotohanan ang balita.

Actually, hindi fake news ang impormasyon na nakarating sa character actor dahil totoo na may Dinky Doo na namatay noong nakaraang linggo, pero iyon ay kapatid sa ama ng comedian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming mga artistang nagpahayag ng pagkabigla at nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Dinky Doo, Jr. dahil nabasa nila ang Facebook post ng character actor.

Pero natuwa rin sila nang kinalaunan ay malaman nilang case of mistaken identity ang nangyari.

Hindi lamang si Dinky Doo, Jr. ang “pinatay” sa social media dahil biktima rin ng fake news ang former actor na si Chuck Perez.

Nakalagay sa unreliable Wikipedia na isinilang si Chuck noong January 22, 1952 at binawian siya ng buhay noong October 1, 2000, dahil nabangga ng isang truck ang motorsiklo na minamaneho niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maling-mali ang balita dahil buhay na buhay ang actor na pinagbidahan noon ang mga pelikulang Bagwis (1989), Big Boy Bato (1992), at Junior Quiapo (1999).

Nagkaroon ng reunion si Chuck at ang kanyang kabalen na si Edgar Mande sa San Francisco, California noong April 15, 2019.

Turning 55-years old si Chuck sa November 2019 kaya mali ang impormasyon ng Wikipedia na isinilang siya noong January 1952.

Nadagdagan ang timbang ni Chuck kaya ibang-iba na ang physical appearance niya mula sa maskulado na Chuck na nagbida noon sa action movies.

Nagtatrabaho siya ngayon sa isang agency sa Amerika na supplier ng mga hospital equipment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ni Chuck (right side of the photo), matagal nang US-based ang former heartthrob na si Edgar Mande (left side of the photo) na umuuwi lamang sa Pilipinas para magbakasyon.

Nagkaedad man si Edgar, halos hindi nagbago ang kanyang itsura dahil inaalagaan niya na mabuti ang sarili.

Nag-migrate si Edgar sa US dahil dito na naninirahan ang buong pamilya niya.

Hindi itinatanggi ni Edgar na nami-miss nito ang showbiz na kanyang bread and butter at nag-iisang trabaho na alam niya noon.

Ang mga out-of-town basketball games, Star Olympics, at mga showbiz gathering ang fond memories ni Edgar noong active pa siya sa showbiz.

Ilan sa mga action film na mapapanood siya ay sa Laban ko ito: Walang dapat madamay (1997); Angel de Jesus (1997); Masikip na ang mundo mo, Labrador (2001)

Ang 2005 movie na Uno ang last movie project niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results