Pag-alis ng provincial bus terminals sa EDSA, anti-poor?

by Jojo Gabinete
Apr 23, 2019
PHOTO/S: Drei Laurel of topgear.com.ph

Natabunan ng mga balita tungkol sa malakas na lindol na nangyari kahapon, April 22, ang reklamo ng mga commuter na apektado ng dry run na ipinatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) bilang bahagi ng EDSA provincial bus ban.

Para sa maraming working class Filipinos, anti-poor ang naisip na traffic scheme ng MMDA para lumuwag ang traffic situation sa Metro Manila.

Continue reading below ↓

Tiyak na matinding dusa ang mararanasan nila kapag natuloy sa June 2019 ang planong alisin sa EDSA ang mga provincial bus terminal at ilipat ito sa Valenzuela City para sa mga bibiyahe sa Northern Luzon at sa Sta. Rosa City, Laguna para sa mga pasaherong pupunta sa Southern Luzon.

Dagdag-pagod at pamasahe ang mga sakripisyo na nakikita ng mga commuter—kasama ang mga bata, senior citizen, mga buntis, at may mga kapansanan—dahil imbes na dire-diretso ang biyahe sa mga lugar na pupuntahan, kailangan pa nilang sumakay sa mga city bus na maghahatid sa kanila sa provincial bus terminals sa Valenzuela City at Sta. Rosa City, Laguna.

Dati nang may mga provincial bus terminal sa EDSA noong panahong hindi pa matindi ang traffic situation na naging malaking problema dahil sa paglaki ng populasyon at pagdami ng mga private vehicle sa Metro Manila.

Nakadagdag din sa problema ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino na hindi marunong sumunod sa traffic rules.

Continue reading below ↓

Sa panahon ng modern technology, nakakalungkot isipin na imbes na umunlad, napag-iiwanan ang Pilipinas dahil sa mga kulang sa disiplina na Pilipino, na araw-araw nagtatapon ng basura sa kalsada, nagsusulat ng graffitis sa mga nananahimik na pader, at ang maraming beses na nakita naming paghingi ng P100 ng mga traffic enforcer mula sa traffic violators para hindi mabigyan ng Traffic Violation Ticket.

Sinubukan naming hingin ang opinyon ng mga government official at mga artista na kandidato sa mid-term polls sa May 13, 2019 tungkol sa alleged anti-poor decision ng MMDA na alisin sa EDSA ang provincial bus terminals.

Pero nakabibinging katahimikan ang aming narinig na hindi nakapagtataka dahil panahon ng kampanya kaya umiiwas silang makaapekto sa kanilang kandidatura ang anumang sasabihin nila na puwedeng ika-offend ng mga nakapuwesto sa pamahalaan.

Postscript: Nang matapos ang lindol kahapon, lumabas kami ng bahay para palipasin ang mga aftershock.

Awa ang aming naramdaman sa mga kababayan natin na stranded, around 10 P.M., sa pagitan ng Robinson’s Galleria at SM Megamall sa EDSA dahil sa kawalan ng mga bus na masasakyan.

Continue reading below ↓

Hindi kami sigurado kung may kinalaman ang naganap na malakas na lindol sa hundreds of Filipinos na stranded sa EDSA na pagod na nga sa trabaho, pagod pa sa paghihintay ng mga masasakyan na bus para makauwi kaya nakaupo na lamang sa sidewalk gutters ang karamihan sa kanila.

At sa kabila ng dry run na ipinatupad kahapon ng MMDA, nananatili pa ring masikip ang traffic situation sa EDSA.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Drei Laurel of topgear.com.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results