Earthquake survivor, pumayag putulin ang paa para makaalis sa gumuhong gusali

by Jojo Gabinete
Apr 23, 2019
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7

Pumukaw sa interes at atensiyon ng marami ang inspiring-yet-heartbreaking story ni Lourdes Martin, ang 25-year-old earthquake survivor sa Porac, Pampanga.

Kasama si Lourdes sa mga biktima na natabunan ng supermarket building sa Porac na gumuho dahil sa malakas na lindol na yumanig sa Luzon kahapon, April 22.

Continue reading below ↓

Nadaganan ng malaking tipak na concrete cement ang kanang hita ni Lourdes, na dalawang oras na naipit sa gumuhong gusali.

Para makaligtas, nagdesisyon siyang putulin ang kanyang hita sa tulong ng doktor na hindi pa niya nakikilala.

"Dumating po yung mga rescue, hindi po nila maalis ang paa ko kasi wala pong pagpapasukan. May tumulong po sa akin na doktor na babae.

"Sumisigaw na po ako 'tapos natamaan po yung ulo ko, paubos na po yung dugo ko. Himala po na nabuhay ako.

"Umalis po yung doktor, bumalik, sabi niya, 'Gagawa tayo ng paraan para mabuhay ka, lumaban ka.' Niyakap po ako nung doktor.

"Kahit hindi ko po siya kilala, niyakap po niya ako.

"Sinabi niya na, 'Ito lang ang paraan para mabuhay ka,'" umiiyak na pahayag ni Lourdes sa 24 Oras ng GMA-7.

Kahit nakaratay sa ospital, ang kapakanan pa rin ng pamilya na kanyang binubuhay at kapatid na pinag-aaral ang iniisip ni Lourdes.

Continue reading below ↓

Sa kabila ng napakalungkot na karanasan, nagpapasalamat si Lourdes sa Panginoon dahil sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya.

Isa siyang magandang ehemplo para sa ibang mga tao na nawawalan na ng pag-asa.

Marami ang napaluha sa kuwento ni Lourdes, kabilang ang aktres na hindi na namin papangalanan pero nangakong tutulungan siya.

Kapuri-puri ang katapangan na ipinamalas ni Lourdes, pero hindi dapat kalimutan ang anonymous female doctor na nagligtas sa kanya at dapat na dakilain din.

Inaasahan naming mapapanood at makikilala natin sa pamamagitan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang good Samaritan na tumulong kay Lourdes dahil ang mga ganitong kuwento at mga personalidad ang nararapat na “I-KMJS na ‘yan!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results