Anne Curtis, naiintindihan ang pag-postpone ng Manila fan-meet ni Park Bo Gum

by Jojo Gabinete
Apr 24, 2019
PHOTO/S: Instagram

Si Anne Curtis ang host sa nakatakda sanang fan meeting ng Korean superstar na si Park Bo Gum sa Mall of Asia Arena sa April 27, Sabado.

Pero postponed ang event, na ipinagpaliban sa June 22, dahil sa magkakasunod at malakas na lindol na yumanig sa Pilipinas simula pa noong April 22.

Continue reading below ↓

Naiintindihan ni Anne ang sitwasyon dahil alam niyang nagmamalasakit lamang si Park Bo Gum sa mga Pilipino.

Pahayag ng Kapamilya star, "Siyempre madaming nalungkot but, you know, when you look at Park Bo Gum’s official statement, coming form him and how concerned he is about the Philippines, and how he prays for us, he genuinely understand na it’s for everyone’s safety, kasi ang daming earthquakes na nangyayari."

At dahil napag-usapan ang lindol, tinanong namin si Anne tungkol sa karanasan niya nang yanigin ng malakas na lindol ang Luzon noong Lunes.

Kuwento niya, "I was in my apartment, 42nd floor. We were afraid but it wasn’t a shake.

"Siguro kasi, with high rise buildings, it’s more of a sway.

"We felt safe.

"Hindi ako bumaba kasi 42nd floor and I was with my mom who had just an operation, so hindi ko siya puwedeng iwan."

Opisyal na ipinakilala si Anne bilang celebrity ambassador ng Belo Thermage FLX, ang latest at most advanced skin tightening treatment ng Belo Medical Clinic, sa Belo Bloom Party na naganap nitong Miyerkules ng gabi, April 24, sa Bonifacio Hall ng Shangri-La Hotel, The Fort.

Continue reading below ↓

Nang ipakilala si Anne, nagpaunlak siyang kumanta dahil ito ang sorpresa niya para sa invited guests.

Ikinuwento ni Anne na, originally, ang Whitney Houston hit song na "I Will Always Love You" ang kakantahin niya.

Pero ang "Chandelier" ang hiniling ng kanyang inaanak na si Scarlet Snow Belo.

Aliw na aliw ang lahat sa pagbirit ni Anne, pero nang matapos ang kanyang performance, nagsalita siya ng "Thank you and I am sorry," kaya lalong natuwa at natawa ang mga bisita.

Tinanong namin si Anne kung may epekto ba ang Belo Thermage FLX treatment sa pagbirit niya.

Buong-ningning na sagot niya, "Wala, gumanda pa lalo yung voice ko. May cooling effect, e, parang okey naman ang voice ko dito."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results