Jodi Sta. Maria, naloka sa love scene nila ni Gabby Concepcion

by Jojo Gabinete
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagkaproblema si Jodi Sta. Maria sa love scene nila ni Gabby Concepcion sa Man and Wife.

Nanggaling ang impormasyong ito mula kay Laurice Guillen, ang direktor ng pelikula ng CineKo Productions na ipalalabas sa mga sinehan simula sa May 8, 2019.

"Wala akong problema kay Jodi, pero nagkaproblema siya sa love scenes," ang sabi ni Laurice, na ipinaubaya kay Jodi ang pagkukuwento.

Continue reading below ↓

Lahad ni Jodi, "First shooting day ko, kinagabihan, intimate scene agad.

"So, naloka talaga ako, 'tapos Gabby Concepcion!

"Hindi ko alam kung saan siya hahawakan. 'Paano ko ito hahalikan?' Yun po yung nangyari.

"Kailangan naming ulitin ang eksena para mas maganda pa at makita na they’re comfortable with each other and they really missed each other."

Nilinaw ni Laurice na continuation ng kuwento at hindi remake ng 1977 popular television series na Gulong ng Palad ang Man and Wife, dahil magkaibang-magkaiba ang kuwento pero pareho pa rin ang pangalan ng mga karakter.

Sabi ng direktor, "Yun na nga ang sabi ko, maybe we should not use Gulong ng Palad as a title kasi kapag ginamit mo yung Gulong ng Palad, ang expectation, it’s a remake.

"This is not a remake, so they may be disappointed kasi hindi ito yung istorya nung na-televised.

"Working title lang yung Gulong ng Palad."

Ang Gulong ng Palad ang sikat na soap opera ng RPN 9 noong 1977 na pinagbidahan nina Marianne dela Riva at Ronald Corveau.

Continue reading below ↓

Co-stars ng dalawa sina Caridad Sanchez, Tita De Villa, Augusto Victa, Beth Bautista, at Rominck Sarmenta.

Luisa at Carding ang pangalan ng mga karakter nina Marianne at Ronald, respectively, at ganoon din ang pangalan nina Jodi at Gabby sa Man and Wife.

Sa Gulong ng Palad, si Caridad Sanchez ang gumanap na Nanay Idad, si Tita De Villa si Menang, si Romnick Sarmenta si Peping, at si Beth Bautista ang Mimi.

Sa Man and Wife, si Amy Austria ang Nanay Idad, si Liza Lorena si Menang, si Francis Magundayao ang Peping, at si Denise Laurel ang gumanap na Mimi.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results