Pelikula nina Ai-Ai delas Alas at Ex Battalion, iniurong ang playdate

by Jojo Gabinete
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa May 8 at hindi na sa May 1 ang playdate ng Sons of Nanay Sabel, ang comedy movie ng Viva Films na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas at unang pelikula ng Ex Battalion.

Dahil sa inilipat na playdate ng Sons of Nanay Sabel, ang Maledicto na lang ang nag-iisang Tagalog movie na magbubukas sa mga sinehan sa May 1, na isang national holiday dahil Labor Day.

Continue reading below ↓

Ang Maledicto ang horror movie na tinatampukan nina Tom Rodriguez, Jasmine Curtis Smith, Eric Quizon, Menggie Cobarrubias, Franco Laurel, at Miles Ocampo.

Si Mark Meily ang direktor ng Maledicto, na joint production venture ng Fox Philippines at Cignal Entertainment.

Sa May 8 ang opening date ng Man and Wife ng CineKo Productions kaya ito ang magiging box-office rival ng Sons of Nanay Sabel.

Ang Man and Wife ang family drama movie nina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria na mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results