Alden Richards at Winwyn Marquez, kapansin-pansin ang closeness

by Jojo Gabinete
Apr 26, 2019
PHOTO/S: Rose Garcia

Mapapansin ang "closeness" nina Alden Richards at Winwyn Marquez sa mga litratong kuha noong April 24, Miyerkules, sa blessing ng McDonald’s Binan, Laguna Highway branch na pag-aari ng aktor.

Public knowledge na matagal nang hiwalay si Winwyn sa ex-boyfriend nitong si Mark Herras, samantalang malihim si Alden tungkol sa identity ng babaeng napupusuan niya.

Continue reading below ↓

Dati nang magkaibigan sina Alden at Winwyn.

Kung sakaling humantong sa mas malalim na relasyon ang kanilang friendship, walang masama dahil libreng-libre ang dalawa.

Parehong mabait, responsable, at mapagmahal sa pamilya sina Alden at Winwyn kaya tiyak na magiging masuwerte sila sa isa’t isa.

Hindi rin nagkakalayo ang kanilang mga edad dahil apat na buwan lang ang tanda ni Alden (January 2, 1992) kay Winwyn, na magdiriwang ng 27th birthday sa May 4, 1992.

Sa interview kay Alden sa kanyang post-Christmas party para sa entertainment press noong January 6, 2019, nasabi niyang magkaroon na sana siya ng love life ngayong 2019.

"It doesn’t matter if she’s showbiz or non-showbiz at yung looks ay bonus na, as long as she’s understanding at maiintindihan niya ang gusto ko," sabi ni Alden tungkol sa mga katangian na hinahanap niya sa isang babae.

Tumutugma ang mga katangiang ito sa karakter ni Winwyn.

Postscript: To our knowledge, hindi pa handa si Winwyn na pumasok sa bagong relasyon. Pero marami na ang nagbago at nangyari mula noong first quarter ng 2019, kaya panahon na para bigyan niya ang sarili ng pagkakataong magmahal at maging maligaya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results