Robin Padilla ipinagdiwang ang 50th birthday three months in advance

by Jojo Gabinete
Aug 10, 2019
Nag-host ng party si Mariel Rodriguez kagabi, August 9, para sa asawang si Robin Padilla, na magse-celebrate ng 50th birthday sa November 23.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Sa November 23 pa ang 50th birthday ni Robin Padilla pero nagdiwang na siya kagabi, August 9, 2019, ng kanyang kaarawan sa Raffles Hotel, Makati City.

Ang advanced 50th birthday bash ni Robin ang birthday gift sa kanya ng misis niyang si Mariel Rodriguez.

Idea ni Mariel na maagang magdiwang ng kaarawan ang action superstar dahil aalis na siya sa Pilipinas sa September 12, 2019.

Lilipad si Mariel sa Amerika dahil dito niya isisilang ang second child nila ni Robin.

Sa November 17 ang due date ni Mariel kaya tiyak na wala siya sa bansa sa actual 50th birthday ng kanyang asawa.

Kabilang sa mga invited guests sa birthday celebration ni Robin sina President Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, Lorna Tolentino, Kylie Padilla, ang mga executives ng ABS-CBN, at ang mga direktor na nakatrabaho niya sa telebisyon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-host ng party si Mariel Rodriguez kagabi, August 9, para sa asawang si Robin Padilla, na magse-celebrate ng 50th birthday sa November 23.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results