Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ai-Ai delas Alas, tanggap ang resked ng Mother's Day movie

by Jojo Gabinete
Apr 28, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi ilusyonada si Ai-Ai Delas Alas kaya tanggap na tanggap niya ang desisyon ng Viva Films na ilipat sa May 8 ang playdate ng Sons of Nanay Sabel dahil humahataw pa nang husto sa box office ang Hollywood movie na Avengers: Endgame.

Pabiro pero may bahid ng katotohanan ang sinabi ni Ai-Ai nang ipaalaala niya sa mga tao na hindi matutuloy sa May 1 ang pagpapalabas sa mga sinehan ng pelikula nila ng Ex Battalion.

Continue reading below ↓

“May 8 na po kami kasi bongga ang Avengers: Endgame.

"Mamimili lang kami, move o end game kaming lahat, hahahaha!” ang nagpakatotoong pahayag ni Ai-Ai na tiyak na isa rin sa mga manonood ng pinipilahan sa takilya na Hollywood movie.

Ang Sons of Nanay Sabel ang Mother’s Day presentation ng Viva Films at blessing in disguise ang pagpapalit ng petsa ng showing ng pelikula dahil mas dikit sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina sa May 12 ang May 8 playdate ng pelikulang pinagbibidahan nina Ai-Ai at ng Ex Battalion.

Kung nagkaroon man ng pagbabago sa release date, tuloy na tuloy bukas, April 29, ang red carpet premiere ng Sons of Nanay Sabel sa SM Megamall Cinema 1.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results