Nadine Lustre, ginunita ang yumaong kapatid sa kanyang FAMAS acceptance speech

by Jojo Gabinete
Apr 29, 2019
PHOTO/S: @vivaartistsagency Instagram

Si Nadine Lustre ang Best Performer for 2018 ng Young Critics Circle (YCC) dahil sa performance niya sa pelikulang Never Not Love You, pero sa August 2019 pa ang awarding ceremony na magaganap sa Vargas Museum ng UP Diliman.

Naunahan ng FAMAS ang YCC sa pagkilala sa husay ni Nadine sa pag-arte dahil siya ang tinanghal na best actress para sa Never Not Love You, sa gabi ng parangal, na ginanap nitong Linggo, April 28, sa Meralco Theater.

Continue reading below ↓

Ang magkasunod na best actress award na napanalunan ni Nadine para sa love story movie nila ni James Reid ang nagbigay ng pag-asa sa kanyang mga supporter na posibleng magkaroon siya ng grand-slam win.

Sa kanyang FAMAS acceptance speech, ikinuwento ni Nadine na nagdalawang-isip siya na gawin ang pelikula dahil sa matinding pagsubok na pinagdaanan niya noong October 2017—ang pagkamatay ng kanyang 16-year-old brother na si Isaiah.

"Oh my God, hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. FAMAS, maraming-maraming salamat po.

"Gusto ko lang ikuwento sa inyo yung naging na-experience ko dito sa Never Not Love You.

"Noong October 2017 po kasi, merong isang malaking bagyo na dumaan sa buhay ko, and sobrang malaki ang damage po ang ginawa nito sa akin.

"So a few months po before namin umpisahan yung Never Not Love You, palagi ko pong iniisip kung itutuloy ko kasi nararamdaman ko na baka ma-disappoint ko lang sina Direk Tonette at sina Boss Vic.

Continue reading below ↓

Ilang beses ko rin po na gustong umatras."

Pero sa kabila ng kanyang personal na krisis, nakatulong ito para mailabas ang mga kailangan niya na emosyon sa mga dramatic scene ng Never Not Love You, na nagbibigay ngayon sa kanya ng mga acting award.

Patuloy ni Nadine: "Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa Never Not Love You, sa mga magagandang salita po na ibinigay niyo sa pelikula.

"pero yung reason po kasi talaga kung bakit sobrang proud and sobrang unforgettable nitong pelikula na 'to para sa akin is kahit nandoon po ako sa lowest point ko, naitawid ko po yung pelikula with flying colors.

"And maraming salamat po sa aming mga supporter, sa mga JaDines. Gusto ko pong magpasalamat sa Viva family ko, kina Boss Vic, Boss Veronique, Vincent and Val.

"Sa pamilya ko po at sa mga friends ko na nandiyan lang palagi sa tabi ko, kay Direk Tonette and Direk Dan, sa lahat po ng mga bumubuo ng Never Not Love You.

Continue reading below ↓

"And of course, kay James na palaging akong pinu-push to be at my very best and sinisigurado po na naalaala ko na I am bigger and stronger than any storm that will come my way.

"Para po sa kanila ang award na ito, maraming-maraming salamat po uli FAMAS."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @vivaartistsagency Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results