Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Carmina Villarroel, ayaw pang payagang magpelikula sina Mavy at Cassy

by Jojo Gabinete
May 1, 2019
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Kahit may dalawang regular television shows sa GMA-7 sina Cassy at Mavy Legaspi, hindi pa masabi ni Carmina Villarroel kung papayagan na niyang gumawa ng pelikula ang kanyang kambal na anak.


"Hala, parang hindi pa yata ako ready! Ako talaga ang hindi pa ready," parang nabiglang sagot ni Carmina sa panayam sa kanya sa story conference ng The Heiress, ang horror movie ng Regal Entertainment Inc. na pagbibidahan nila nina Maricel Soriano at Janella Salvador, nitong Martes ng hapon, April 30.

Continue reading below ↓

"Kung may magandang project na babagay sa kanila, why not?

"Hindi pa namin napag-uusapan but siguro, in time, kasi they’re busy in school.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Talagang priority nila ang school, which is good, and I’m thankful dahil kahit nasa medyo half-showbiz sila, gusto nilang tapusin yung college studies nila.

"Ongoing pa rin sila sa Grade 12 nila.

"Ang vacation nila is June, sa August, start na sila ng first year college."

Saan plano na mag-aral nina Mavy at Cassy?

"Baka sa University of Asia and The Pacific, baka ha?

"Magkaiba sila ng course, pero parehong nasa business side, kasi ang UA&P is known for business courses, di ba?”

Ayaw ba nila ng course na showbiz-related?

"Ang millennials yata, ang mga Gen-Z, gusto nila either computer or mga IT, business…" sagot ni Carmina.

Nagpapasalamat si Carmina dahil ang mga tao ang nakakapansing magagalang at mababait ang kambal na anak nila ni Zoren.

"Lahat naman ng mga magulang, talagang ang wish natin, magabayan sila nang tama, maging respectful sila kahit sabihin natin na naiiba na ang panahon ngayon.

Continue reading below ↓

"I am very thankful naman na yun lagi ang sinasabi sa amin ni Zoren na mababait, magagalang, at masusunurin ang mga anak namin.

"Tamang pagga-guide lang, constant reminder," saad ng aktres.

Pinapayagan nina Carmina at Zoren sina Mavy at Cassy na hawakan ang sariling kita mula sa showbiz.

"Hinahayaan namin silang humawak ng sariling pera para alam nila ang value ng pera, yung value ng hardwork.

"Ever since naman, hindi sila spoiled na mga bata.

"Sinasabi talaga namin na hard-earned money yung nakikita nila, mga bunga ng paghihirap namin ni Zoren," sabi ni Carmina.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results