Main cast ng Pinoy version ng Descendants of the Sun, kumpleto na

by Jojo Gabinete
May 1, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Mula nang i-announce ng GMA 7 na si Dingdong Dantes ang magbibida sa Philippine adaptation ng popular Koreanovela na Descendants of the Sun, kanya-kanya na ng hula kung sinu-sino ang makakasama niya sa teleserye na sisimulan ang taping sa susunod na buwan.

Kahit ongoing pa ang Love You Two, matunog ang pangalan ni Jennylyn Mercado bilang leading lady ni Dingdong sa Descendants of the Sun.

Continue reading below ↓

Gagampanan ni Jennylyn ang karakter ni Beauty, ang cardiothoracic surgeon na love interest ni Big Boss (Dingdong).

Makakasama nina Dingdong at Jennylyn sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun si Rocco Nacino bilang Sergeant Major o Wolf.

Ang participation ni Rocco sa Tagalog remake ng Koreanovela ang dahilan kaya nawala siya sa cast ng Dahil sa Pag-Ibig, ang upcoming television series ng Kapuso Network na tinatampukan nina Winwyn Marquez, Pancho Magno, at Benjamin Alves.

Originally, kasali si Rocco sa cast ng Dahil sa Pag-Ibig pero pinalitan siya ng Benjamin Alves.

Sa isang interbyu, sinabi ni Winwyn ang kagustuhang maging bahagi ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun.

Pero malabo itong mangyari dahil mainstay na siya ng Dahil sa Pag-ibig.

Ang karakter ni Yoon Myeong-Joo o Moira ang gusto ni Winwyn gampanan, na hindi talaga mangyayari.

Bukod sa cast member na siya ng Dahil sa Pag-Ibig, nakalaan na kay Jasmine Curtis Smith ang role.

Continue reading below ↓

Matatagalan pa ang umpisa ng taping ng GMA-7 remake ng Descendants of the Sun kaya may posibilidad na mabago pa ang casting.

Pero at press time, sina Dingdong, Jennylyn, Rocco, at Jasmine ang lead stars ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun na pamamahalaan ng direktor na si Dominic Zapata.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results